MAGKAMAG-ANAK NAGPOSITIBO SA COVID-19, BARANGAY NI-LOCKDOWN

lockdown

ISABELA—ISINAILALIM sa calibrated lockdown ang ilang bahagi ng Barangay Bantug Petines, Alicia ng lalawigang ito para sa contact tracing dahil sa umano’y may magkakamag-anak na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Alicia Mayor Joel Amos Alejandro, layu­nin ng calibrated lockdown sa ilang lugar sa kanilang ba­yan ay upang makontrol ang paglabas-labas ng mga tao at maprotektahan ang mga residente sa mga barangay.

Ayon pa alkalde, napilitan na ipatupad ang lockdown sa Barangay Bantug Petinies dahil dito nakatira si Patient COVID-19 136 na kung saan nagpositibo rin ang mister at anak nito dahil nagkaroon sila ng contact at umuwi sa naturang barangay ang mag-ama bukod pa sa may mga nakasalamuhang kabarangay nila.

Sa pagpapatupad ng calibrated lockdown, isasara rin ang ilang establisimiyento sa naturang barangay na magtatagal ng pitong araw at tiniyak na makatatanggap ng ayuda ang mga maaapektuhan. IRENE GONZALES

Comments are closed.