MAGKASINTAHAN NAG-SUICIDE?

SUICIDE-6

NORTH COTABATO- INAARAL ng awtoridad kung nagkasundo ang magkasintahan na sila ay sabay na magpapakamatay matapos na matagpuan ang kanilang mga labi na may tama ng punglo sa ulo sa bayan ng Kabakan.

Ipinag-utos ng North Cotabato PNP na imbestigahan ang pagkasawi ng magnobyo na sinasabing nagbaril sa kanilang sarili sa loob mismo ng bahay ng lalaki sa Brgy. Katidtuan.

Kapwa mga estudyante ng University Laboratory School ng University of Southern Mindanao (USM) sa Kabacan North Cotabato ang dalawang biktima .

Ayon kay Kabacan Chief of Police,P/Major Realan Mamon, batay sa kanilang pagtatanong, bago nagpakamatay ang magkasintahan, napansin umano ng mga kaklase nito na may tampuhan ang da­lawa dahil sa personal na problema na may kaugnayan sa kanilang relasyon. VERLIN RUIZ

Comments are closed.