MAGLOLO NATUSTA SA SUNOG

sunog

MISAMIS ORIENTAL – KAPWA wala nang buhay at sunog na sunog nang matagpuan ng mga bombero ang 63-anyos na lolo at ang kanyang mus-mos na apo nang ma-trap sa nasusunog nilang  bahay kamakalawa ng gabi sa San Antonio, Jasaan.

Ayon sa ulat, umabot sa ikaapat na alarma ang sunog na nagsimula noong alas-3:40 ng hapon at naapula dakong alas-8:15 ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection at Misamis PNP umaabot sa may 100 mga bahay ang natupok kasama ang bahay ng mga biktimang sina Simple-cio Pasaje, 63, at ang walong taong gulang na apo nitong si Julianne Mae Torres.

Hinihinalang suffocation ang nagging sanhi kaya hindi na nakalabas pa ng bahay ang maglolo.

Sa pagsisiyasat binalikan ng lolo ang kanyang apo na naiwan sa loob ng nasusunog nilang bahay subalit nakulong na sa loob ng kanilang banyo at doon na nakita ang kanilang bangkay.

Pawang gawa kasi sa light materials ang mga bahay bukod pa sa napakakipot ng mga daan kaya nahirapan ang mga bom­bero na maapula agad ang apoy na lumalamon sa magkakadikit na bahay ani SF03 Edcel Salvaña, hepe ng Jasaan Fire Station.

Patuloy pang inaaalam ng mga arson investigator ang na­ging sanhi at total damages ng may limang oras na sunog. VERLIN RUIZ

Comments are closed.