NASA 29,974 tourist arrivals ang naita- la magmula nang buksan ng Pilipinas ang borders nito sa foreign travelers noong February 10 sa gitna ng COVID-19 pandemic, ayon sa Department of Tourism (DOT).
Sa isang radio interview, sinabi ni Secretary Bernadette Romulo-Puyat na karamihan sa mga turistang dumating ay nagmula sa US, Canada, United Kingdom, at South Korea.
“As of February 19, since we opened the Philippines, we had about 29,974 tourist arrivals,” sabi ni Romulo-Puyat.
Dagdag pa niya, 45 percent ng arrivals ay “balikbayans”.
Ayon sa kalihim, maraming major tourist destinations ang nagre-require lamang ng pruweba ng full vaccination laban sa COVID-19 para sa travelers.
Nauna nang nagpahayag ng kumpiyansa si Puyat na makababangon na ang tourism sector mula sa hambalos ng COVID-19 pandemic.
Aniya, hinihintay lamang ng mga turists na magbukas ang borders ng bansa.
“Hinihintay lang ng ating tourism stakeholders na magbukas. Ang pagbukas kasi for foreigners means that we are going back to normal.”