TINIYAK ni House Committee on Public Information Committee Chairman at Kabayan Partylist Rep. Ron Salo ang pagtutok ng kanyang komite para agad na maaprubahan ang House Bill 6114 o proposed Magna Carta for Media Professionals.
Ayon kay Salo, magsasagawa ng serye ng public hearings ang komite para tiyakin na masusunod ang layunin ng panukala tulad ng pagsusulong ng kapakanan ng media professionals, pagpapalakas sa self-regulation at professionalism ng mga mamamahayag upang matigil na ang mga fly-by-night practitioners.
Hihingan nila ang panig ng mga kinatawan mula sa akademya, civil society at iba pang media practitioners sa Metro Manila at sa mga probinsya upang makabuo ng mas komprehensibong panukala.
Ilan sa salient features ng HB 6114 ay ang pagtatalaga ng salary scales, media protection and security, hazard pay at mandatory insurance benefits para sa mga nagtatrabaho sa media.
Ipinapanukala rin ang pagbuo ng isang Philippine Council for Media Professionals na siyang maglalatag at magsasagawa ng accreditation ng media professionals. CONDE BATAC
Comments are closed.