MAGPA-DRUG TEST

Rolando Andaya Jr

HINIKAYAT ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr., ang mga kapwa mambabatas at mga kandidato sa 2019 midterm elections na boluntaryong sumailalim sa drug testing.

Ito aniya ay bilang suporta na rin sa anti-illegal drug campaign ng Duterte administration at para mapatunayang malinis sa ilegal na droga ang mga politiko.

Katwiran ni Andaya kung ang mga kabataan at estudyante ay inirekomendang isailalim sa drug test, ito ay dapat na simulan muna sa mga kandidato na nangangarap na magsilbi sa bayan upang mapanatili ang integridad sa pamamahala.

Bilang leader ng Kamara ay responsibilidad umano niya na suportahan ang panawagan ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Aniya, ang pagsasagawa ng mandatory drug tests sa mga kandidato ay makatutulong sa kampanya ng administrasyon laban sa narcopoliticians.

Pero sa naunang ruling ng Korte Suprema, idineklara nitong unconstitutional ang drug test bilang dagdag sa mga requirement ng mga tatakbo.  CONDE BATAC

Comments are closed.