TATANGGALAN ng benepisyo ang mga kawani ng gobyerno na magpopositibo sa COVID-19.Ito, ayon kay CSC Commissioner Aileen Lizada, ay kapag napatunayan na walang kinalaman sa trabaho ang dahilan kung bakit nahawa ng COVID-19 ang isang empleyado ng gobyerno.
Aniya, kaya sila nagpatupad ng alternative work scheme gaya ng work-from-home ay para maingatan ang mga empleyado at hindi rin maapektuhan ang operasyon ng bawat ahensiya ng pamahalaan.
“Tatanggalan na kayo nung 14-day, ‘yung treatment ninyo, if ever hindi ninyo binill ang statement, babawasan na po sa sick leave. We do not like to do this, if medyo matigas pa rin ang ulo kasi marami pong pinupuntahan na mga activities, party, kailangan na nating lagyan kasi lahat ngayon, we are saying excuse absences, excuse leave,” ani Lizada.
Anang opisyal, malalaman nila ang dahilan kung bakit o kung saan nahawa ang empleyado ng COVID-19 sa pamamagitan ng contact tracing.
“We will also be putting that category na kung, kasi ‘di may nagko-contact tracing. Ang iba nagpo-post pa sa social media accounts nila, saan sila galing or if it is, ang hawahan ay sa loob ng bahay, that is excused leave. If it is in the office, o nasa field kayo because you’re doing work, it is excused leave. But if on investigation or contact tracing ng proper authority, if it found out that you acquired it from another event na based on sa matrix, it will be charged on do’n sa sick leave,” ani Lizada. DWIZ 882
400584 365287Hiya! Fantastic blog! I happen to be a everyday visitor to your website (somewhat a lot more like addict ) of this site. Just wanted to say I appreciate your blogs and am searching forward for more! 261468