MAGSASAKA AT MANGINGISDA  MAKIKINABANG SA DA FUNDS RESEARCH AT APPLICATION

Cynthia Villar

SA PAGBUSISI sa panukalang budget ng Department of Agriculture (DA), tiniyak ni Senadora Cynthia Villar na magagamit ang pondong ito sa mga proyekto, pananaliksik at aplikasyon na pakikinabangan ng mga magsasaka at mangingisdang Filipino.

Sa pangalawang pagdinig ng finance subcommittee sa P71.8 billion panukalang budget ng DA sa 2020, pinaalalahanan ni Villar  ang DA officials na pinamumunuan ni Secretary William Dar na hindi dapat  tataas sa 50 percent ang kanilang pondo sa overhead o operating expenses.

“Ang gusto natin ay mas malaki ang mapupuntang budget sa projects dahil iyon ang nakakatulong sa mga tao. Hindi tama na mas malaki ang napupunta sa pasuweldo, sa maintenance and operating expenses habang kulang ang tulong sa farmers,” ayon kay Villar.

Binusisi rin ni Villar, chair ng Committee on Agriculture and Food, ang panukalang budget sa flagship programs ng DA gaya ng sa bigas, mais, livestock, organic agriculture, high-value crops, fisheries at halal.

Sa pamamagitan nito, sisiguraduhin na maglalaan sila ng pera sa mga bagay na makatutulong sa mga magsasaka at mangingisda na madagdagan ang kanilang kita.

Tiningnan din ng senadora ang budget ng 26 bureaus at government corporations sa ilalim ng DA at tinanong din nito ang mga pinuno ng offices na ipaliwanag kung papaano nila gagastusin ang kanilang budget.

Pinuna rin niya ang P150  million budget ng department para sa research sa ilalim ng National Corn Program. Binigyan-diin ng senador na hindi pakikinabangan ng mga magsasaka ang research kung walang application.

“Hindi ba mas gusto ng  magsasaka na makatanggap ng libreng seeds at machinery? Bakit hindi tayo gumastos  para doon? More government money should be spent for projects, not for ghe  expenses of the bureaucracy,” giit  ni Villar .

Sinabi naman ni Usec. Ariel Cayanan sa naturang pagdinig na may pagbabago sa programa ng budget dahil sa panukala ni Villar na mas maraming gastusin sa mga proyekto.

Sinabihan din ni Villar  ang Philippine Fiber Industry Development Authority na maglaan ng pondo para isulong ang local  fiber.

Aniya, dapat ilagay ng  PhilFIDA ang kanilang budget increase na nakuha noong nakaraang taon sa mga programang makatutulong sa industriya sa halip na sa suweldo ng mga tauhan.

“I am supporting the development of our local fiber. It will be better if we could source thematerial we use in our blanket-weaving livelihood project locally,” ayon kay Villar.

Pinaalalahanan din ng senadora  ang Philippine Rubber Research Institute na naglaan ng  75 percent ng kanilang budget para sa overhead na maglabas ng mga programa gaya ng pamamahagi ng  seedlings sa mga magsasaka para sa ka­ragdagang kita. VICKY CERVALES

Comments are closed.