MAGSASAKA NAGBIGTI DAHIL SA PROBLEMA SA PAMILYA

bigti

ISABELA – PINANINIWALAANG problema sa pamilya kung bakit naisipang kitilin ang buhay ng isang magsasaka sa pamamagitan ng pagbigti sa kanyang sarili sa purok uno, Barangay Quimalabasa Norte, San Agustin.

Kinilala ni P/Capt. Ian Bumanglag hepe ng San Agustin Police Station ang nagbigti sa pamamagitan ng lubid sa leeg na si alyas Jen,  37-anyos, magsasaka residente ng nasabing lugar.

Lumabas sa pagsisiyasat ng San Agustin Police Station na ang katawan ng nagpakamatay ay nakita ng kanyang pamangkin na si Reyna Rose Caguingguing na nakabitin sa loob ng kanyang kuwarto na wala ng buhay.

Bago ang pagpapakamatay ni Jennifer ay hindi natuloy ang kanyang pangingibang bansa dahil sa kanyang health condition bukod pa sa nararanasang problema sa pamilya.

Samantala, isang empleyado ng Isabela Electric Cooperative 2 (ISELCO-2) ang hinihinalang nagpakamatay rin na natagpuang may tama ng bala ng kalibre .38, baril sa kanyang kaliwang dibdib.

Nakilala ang pinaniwalaang nagpakamaatay ay si alyas Rey,  43, may asawa kawani ng Iselco-2 residente ng Calamagui 1st, Ilagan City, Isabela.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang PNP Ilagan upang malaman kung bakit nagpakamatay  si Lagamia. IRENE GONZALES

Comments are closed.