MAGUINDANAO MASSACRE MAGSISILBING ARAL

MAGUINDANAO MASSACRE

UMAASA si Senador Francis Tolentino na magsisilbing aral ang insidente ng Maguin­danao massacre at hindi na ito muling maulit pa sa hinaharap.

Reaksiyon ito ni Tolentino matapos na hatulan ng guilty ni Judge Jocelyn Solis Reyes sina Datu Andal Ampatuan Jr., Zaldy Ampatuan at iba pang akusado na kumitil sa buhay ng 58 katao kabilang na ang 32 mamamahayag.

Ayon kay Tolentino, tumagal man ng sampung taon ang paghihintay ng mga pamilya ng mga biktima, nakamit na rin ang hustisya sa karumal-dumal na krimen.

Naniniwala ang se­nador, ang pagi­ging vigilant sa kaso ng pamilya ng mga biktima at ng mga mamamahayag ang siyang naging susi sa pagkamit ng hustisya.

Sinabi naman ni Senadora Leila De Lima na pagpapatunay lamang na hindi kinukunsinti ng batas ang pang-aabuso sa kapangyarihan ng sinuman sa naging hatol ni Judge Reyes sa pamilya Ampatuan.

Pinaalalahanan din ni De Lima na walang lugar sa pinaiiral na demokrasya ang mga war lord sa bansa. VICKY CERVALES

Comments are closed.