TINAMBANGAN ang alkalde ng Talitay, Maguindanao ng hindi pa nakilalang lalaki sa isang hotel sa Malate, Manila.
Dead on the spot ang biktima na si Abdul Wahab Sabal, 45, Sultan Sumangka (Talitay), Maguindanao.
Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD), naganap ang pamamaril sa harap ng Manra Hotel na matatagpuan sa kahabaan ng Quirino Avenue corner Leveriza St., dakong alas-10:02 ng gabi.
Nauna rito, kababa lamang umano ng kanilang sasakyan na Toyota Fortuner gray (MFN 566) ang biktima kasama ng kanyang asawa na si Mohana Sabal at kanyang body guard na si PCpl Alwal Guimad, 41, police officer, na itinalaga kasama ang Talitay MPS.
Nabatid na habang ibinababa umano ang kanilang gamit sa sasakyan upang mag-check-in sa naturang hotel, bigla na lamang may tatlong putok ng baril na umalingawngaw at dito nadiskubre si Mayor Sabal na may tama ng bala sa katawan na nakadapa sa entrance ng naturang hotel.
Sa kuha ng CCTV camera ng nasabing hotel, isang lalaki ang nahagip sa kabilang kalsada ng nasabing kalye lulan ng hindi pa batid na sasakyan.
Narekober sa insidente ang isang nayuping basyo ng 5.56 mm ammunition. PAUL ROLDAN
Comments are closed.