MAHIGIT sa 300,000 foreign tourists ang dumating sa nakalipas na tatlong buwan sa muling pagbubukas ng bansa sa borders nito sa leisure travelers, ayon sa Department of Tourism (DOT).
Sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na nakapagtala ang bansa ng kabuuang 313,050 international arrivals sa pagitan ng Peb. 10 at Abril 25.
Nangunguna sa listahan ang mga traveler mula sa US, sumusunod ang mga nanggaling sa Canada at Korea.
“At least sunod-sunod na, and for the Koreans and Japanese [they] are already coming… masaya tayo kasi at least we already received 313,050 international arrivals,” sabi ni Puyat.
Aniya, ang Pilipinas ay nakakuha ng World Travel & Tourism Council safe travel stamp, na nangangahugan na nagpapatupad ang bansa ng quality-assured travel safety protocols sa gitna ng pandemya.
Ayon sa kalihim, ang katatapos na 21st World Travel and Tourism Summit na hinost ng bansa ay nagpapatunay na maaari nang bumalik sa normal ang bansa basta ang mga turista ay fully vaccinated at sumusunod sa health standards.
Muling binuksan ng Pilipinas ang borders nito ngayong buwan sa lahat ng foreign travelers na fully vaccinated kontra COVID-19.
Sa ilalim ng revised rules, ang mga fully vaccinated ay maaaring pumasok sa bansa basta makapagpakita sila ng “acceptable proof of vaccination.”