MAHIGIT 400 empleyado ng canteen sa eskwelahan at mga drayber ng transport cooperatives ang naging benepisyaryo sa proyekto ng Pasay Cooperative Development Office (PCDO) bilang tugon sa pandemya na idinulot ng coronavirus disease o COVID-19.
Ayon sa Pamahalaang Panlunsod ng Pasay ang pakikipagkoordinasyon sa mga kooperatiba na nag-ooperate sa lungsod upang bumuo ng proyekto na makatutulong sa mga eempleyado ng canteen sa mga eskwelahan gayundin sa mga drayber ng mga transport cooperatives.
82 kooperatiba na nag-ooperate sa lungsod ang nagbigay ng kani-kanilang donasyon na nagkakahalaga ng P500 hanggang P50,000 na hindi naiulat ang nakolektang kabuuang halaga na agad namang ibinili ng PCDO ng food packs at health kits.
Idinagdag pa ni Calixto-Rubiano na ang mga empleyado ng canteen sa mga eskwelahan at mga drayber ng transport cooperative ang napiling benepisyaryo ng PCDO dahil ang mga ito ay kabilang sa mga pinaka-naapektuhan ng pandemya ng COVID-19.
Ang distribusyon ng food packs at health kits sa mga napiling benepisyaryo ay isasagawa bukas (Hunyo 5) sa Jose Rizal Elementary School (JRES) covered court mula alas 8:00 hanggang alas 11:00 lamang ng umaga. MARIVIC FERNANDEZ
579184 29366Woh I like your content , saved to bookmarks ! . 598354
799319 48259This internet web site is my aspiration, extremely excellent style and design and Perfect subject matter. 582096
402305 861378Well written articles like yours renews my faith in todays writers. Youve written data I can finally agree on and use. Thank you for sharing. 172161