MAHIRAP NA PINOY NABAWASAN

PSA

IKINAGALAK ng Malakanyang ang pagbaba ng poverty incidence sa bansa ng 6.6 porsi- yento base sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi pa rin magpapakampante ang pamahalaan kahit bumaba na sa 21 por-siyento ang bilang ng mga pobreng Pinoy sa first quarter ng 2018.

“Poverty incidence among Filipinos has decreased to 21 percent during the first half of 2018 from the adjusted 27.6 percent dur-ing the first half of 2015,” nakasaad sa report ng PSA.

Nangangahulugan ito na may 23.1 milyong Filipino ang nagkaroon ng kita na nasa ilalim ng poverty threshold mula Enero hanggang Hunyo 2018.

Sinabi ni Panelo na ang pagbaba ng poverty incidence ay bunga na rin ng mga inilatag na programa ni Pangulong Rodrigo Duterte para labanan ang kahirapan sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng edukasyon, libreng gamot, pagsasaayos ng health facilities sa bansa, pagtataas ng pension at maging ng suweldo ng mga manggagawa.

“As we commend the responsible departments and agencies for doing their respective jobs with commitment and fervour, we will not rest but rather continue to work hard to achieve our target of decreasing poverty incidence to 14 percent or even better, byu the end of PRRD’s term in 2022 and fulfill the President’s vision of providing a comfortable life for each  and every Filipino” sabi ni Panelo.

Samantala, ang poverty incidence sa mga pamilyang Pinoy ay tinatayang nasa 16.1 percent, mas maba-ba kumpara sa 22.2 per-cent sa kahalintulad na panahon noong 2015.

Ayon kay PSA Assistant Secretary Josie Perez, nanga­ngahulugan ito na may 16 mula sa 100 pamilyang Pinoy na may limang miyembro ang kumikita ng mas mababa kumpara sa kinakailangang halaga para makabili ng pagkain at iba pang pangangaila­ngan.

Sinabi ni Perez na batay sa kanyang pag-aaral, noong unang bahagi ng 2018, ang isang pamilya na may limang miyembro ay nangangailangan ng P10,481 kada buwan para sa pagkain at iba pang pan-ga­ngailangan kasama na ang upa sa bahay, bayad sa koryente, tubig at iba pa.

Tinatayang aabot sa apat na milyon ang bilang ng pamil­yang Filipino na maituturing na mahirap noong unang bahagi ng 2018 samantalang nasa limang milyon naman sa pareho ring panahon noong 2015. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.