SIGURADONG matutuwa ang mga supporters ng “Eat Bulaga” dahilan sa panibagong sitcom ngayon ang ginagawa ng dalawa sa host ng naturang daily noontime show, sina Vic Sotto at Maine Mendoza, ang “Daddy’s Girl”, kung saan ay father and daughter ang kanilang mga role.
First time para kay Maine na gumawa ng isang comedy show at sa pagbabalik naman ni bossing Vic sa sitcom, na huling napanood sa “Hay Bahay” ay first time din daw niya gumawa ng isang sitcom kung saan ay may mga eksenang kukunan pa sa labas ng studio at sa mga malalayong parte ng lugar sa bansa.
Ani ni bossing Vic, karamihan sa kanyang mga ginawang sitcom ay halos sa loob lang ng isang studio kinukunan kung kaya kakaiba naman ngayon ang kanyang handog. Pagdating naman sa pagiging magka-loveteam nila ni Maine, say ng magaling na komedyante, forever na magtatay daw sila. Simula pa lang daw kasi ng karir ni Maine sa “Eat Bulaga” lalong-lalo na sa AlDub Kalyeserye ay mag-ama na ang kanilang ginagampanan. Kung kaya may chemistry na ang dalawa at hiyang na rin naman nila ang isa’t isa bilang mag-ama sa isang project.
Say naman ni Maine, kahit pa sabihin daw na sanay na siyang makasama sa isang project si Bossing Vic, ay nandoon pa rin ang kanyang kaba ‘pag kaeksena si Bossing Vic. At sa huli say pa rin ni Maine, heto na raw ang handog niya sa kanyang mga supporter na naghahangad na magkaroon na rin siya ng sariling comedy show.
ANGELICA PANGANIBAN WILLING MAGING NINANG SA ANAK NI LLOYDIE AT ELLEN
AMINADO ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban na nakapag-move on na siya sa hiwalayan nila ng dating syotang si John Lloyd Cruz, na namumuhay na ngayon ng simple at kasama ang ‘pamilya’, ang anak at si Ellen Adarna.
Say ng magandang actress na totally ay masaya na siya sa kanyang buhay at nagpasalamat pa si Angelica sa hiwalayan nila ni JL dahil mas naging ‘kompleto’ raw siya ngayon kaysa sa dating siya. Dagdag pa rin ni Angelica na wish niya ang kasiyahan at kapayapaan sa bagong buhay ngayon ni JL pati na rin sa partner nito at anak.
Game na game pa nga si Angelica sa pagsasabing willing na willing siyang maging ninang sa baby ng dating boypren at pinagmalaki pa nito na mabait at mahusay raw siyang ninang. Pagdating naman sa dati pa rin niyang boypren na si Car-lo Aquino, na leading man niya sa bagong movie, ay panalangin din ni Angelica na sana ay matagpuan na nito ang kaligayahan na hinahanap sa isang babaeng mamahalin. Sa puntong ito ay tila binigyang tuldok na ni Angelica ang posibilidad na magkabalikan silang dalawa ng dating boypren na maingay ang tsikang pinopormahan muli siya ng huli.