MAINE MENDOZA GINAWAN NG FANS NG LIBRO BILANG SORPRESA SA IDOLO

TAHIMIK lamang ang grupo ng fans na nagmamahal kay phenomenal star Maine showbiz eyeMendoza sa isang project na ginawa nila para sa kanilang hinahangaang artista ang isang libro titled “Dear Maine.”  Mukhang sorpresa nila ito kay Maine, dahil ayon sa kanyang manager sa Triple A, si Rams David, same day ng event, Wednesday, May 30, lamang niya natanggap ang invitation na ginanap sa Relish Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Kahit si Maine ay nasorpresa dahil sa kanyang Instagram wall, post niya: “Thank you so much for this!!! Had a great time tonight.

Post ni Hope @LiveGiveLive: #Dearest Maine is a private “testimonial” dinner organized by a very small group of fans for Maine.  Almost 4 months ago, we asked everyone to share w/ us ur letters, poems & artistic creations for Maine’s bday.  We’re happy to tell you that tonight, we turned over d book to Maine.

Much respect & admiration to these 17 wonderful people who gladly volunteered 4 this ‘love’ project. It’s amazing how our common love for Maine brought us together, despite our differences (backgrounds, timezones, etc.) A real pleasure to work wid/u all. Thank u.”

Part ng pasasalamat ni Maine sa kanila: “Sana ang pagmamahal ninyo sa akin, walang expiration.”

Post naman ni Rams David: “Indeed a night of wonderful stories of how @mainedcm has touched their lives and gave inspiration to strive harder in facing world’s 101 challenges.  Thank you very much for inviting us and good luck to all the members.

“Dear Maine,” A Testament of Love, Happiness and Miracles.

Ang dinner ay part pa rin daw ng birthday niya, so pang-10th na ito dahil iyong huling party niya last week ay pang-9th na pala.

May fans na nagtanong kung mayroon daw mabibiling copy ng book, pero sagot nila, “for Maine’s consumption only ang book at limited edition lamang.”

Invited din at dumalo sa event ang buong family ni Maine.

GUMANAP NA ANAK NI MARIAN NAKABALIK

SA SHOWBIZ NA 16 YEARS OLD NA

KUNG regular viewer kayo ng teleseryeng “Kambal Karibal” na tampok sina Bianca Francesca SalcedoUmali, Miguel Tanfelix at Kyline Alcantara, mapapansin si Nori o Frennie, na kung tawagin ni Jean Garcia ay ‘babaeng panda’ dahil lagi siyang naka-all black na attire at kahit ang lipstick niya ay black, mabuti na lamang at maputi ang complexion niya.

Best friend siya ni Crisan (Bianca) na hindi niya iniwanan kahit kailan.  Kilala ba ninyo kung sino si Nori/Frennie?

Kung napanood ninyo ang “Marimar” ni Marian Rivera at Dingdong Dantes noong 2007-2008 sa GMA Network, ang gumanap nilang anak noon na si Cruzita ay si Francesca Salcedo.  Almost five years old lamang noon si Cheska at pagkatapos noon ay naggi-guest na lamang siya sa shows ng GMA hanggang dumating na siya sa awkward age at hindi na siya puwedeng maging child star. Kung meron mang offers, mga guesting lamang.

She’s now sixteen years old.

“Ngayon nga lamang po ako nagkaroon muli ng regular teleserye sa GMA,” sabi ni Cheska.  Natuwa po ako nang makasama ako rito at nakabalik muli ako sa showbiz.  Ngayon po bukod dito, naggi-guest din ako sa iba pang shows sa GMA. Wish ko rin po makasama muli si Ms. Marian Rivera.”

Comments are closed.