MAINE MENDOZA HINIHIRITAN NG FANS NA GUMAWA NG ALBUM

HUMIHIRIT ang mga fans ni Maine Mendoza na gumawa na siya ng album dahil natutuwa silang showbiz eyepakinggan si Maine na kumakanta kapag nasa Sugod-bahay na sila nina Jose Manalo, Wally Bayola at Paulo Balleste­ros na may segment silang kumakanta at madalas parang nagbi-videoke sila.

Last Wednesday, kinanta ni Maine ang isa sa mga song sa famous na “Meteor Garden” in Taiwanese. Since she was born in 1995, at sumikat ang “Meteor Garden” in 2005, pinag-aralan niya ang song, kaya pala a day before nag-post siya sa Twitter niya ng, “Looool I did not see this coming!!!” at may picture pa ni Vaness Wu, isa sa boys ng “Meteor Garden” dahil iyon ang ipi-feature nila. Aminado si Maine na fan siya ng “Meteor Garden” noon hanggang ngayon.

Isa pang hamon ng fans kay Maine, mag-record lamang siya, in one day, gagawin nilang platinum agad ang album niya.

BIANCA UMALI KINAIINISAN NAMAN NGAYON

bianca umali NGAYON naman ay si Bianca Umali na ang kinaiinisan sa “Kambal Karibal” nila nina Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara at Jeric Gonzales. Nagagalit ang mga netizen dahil na kay Bianca ang kaluluwa ni Crisel kaya masama ang ugali niya at lahat ng hirap na dinaranas ni Cheska/Crisan ay si Kyline ang nagdaranas.

May nagri-request ng patayin na nang tuluyan ang character ni Crisel para makalaya na ang katawan ni Crisan at matigil na ang kaguluhan sa pagitan ng kambal. Gusto naman ni Geraldine (Carmina Villarroel), kung patay na pala si Cheska, ipalibing na lamang nila para makalaya ang kaluluwa ni Crisan na nasa katawan niya.

Kung noon kasi akala ng mga netizen ay magiging magkatambal sina Cheska at Darren (Jhake Vargas), hindi pala ito mang­yayari dahil gumaling na at nakakakita na si Darren kaya babalik na raw sila ng mommy niya sa USA para ipagpatuloy ang studies niya roon. Kailangan na kasing alisin sa KK ang character ni Jhake dahil may bago na siyang sisimulang teleserye sa GMA 7, ang “Ika-5 Utos” na makakatambal niya muli ang real girlfriend niya, si Inah de Belen.

Magsisimula na silang mag-taping sa direksiyon ni Laurice Guillen, ang director din ng blockbuster afternoon prime series, ang “Ika-6 Na Utos.”

Comments are closed.