FOUR months before 2019 ends, at saka naman very busy si phenomenal star Maine Mendoza. Bukod sa mga bago at renewal ng mga endorsements niya, sabay naman niyang gagawin ang dalawang pelikula, ang “Isa Pa With Feelings” with new leading man, Carlo Aquino for Blacksheep Productions at ang official entry for the 45th Metro Manila Film Festival sa December, ang “Mission Unstapabol: The Don Identity” ng APT Entertainment at M-Zet Production, kasama niya si Bossing Vic Sotto at ididirek ni Linnet Zurbano.
“Kaya sorry po, kung madalang na ninyo akong mapapanood sa “Eat Bulaga” dahil magsasabay po ng shooting ang dalawa kong movie, may taping pa ako every Tuesday ng sitcom naming “Daddy’s Gurl,” pahayag ni Maine. “Pero basta libre po ang araw ko mapapanood ninyo ako sa EB. Sana po ay hindi ninyo ako makalimutan.”
JUANCHO TRIVINO AT JOYCE PRING ‘DI NA ITINATAGO ANG RELASYON
OPEN na ang relasyon ng dalawang Kapuso artists, ang actor na si Juancho Trivino at vlogger/host na si Joyce Pring. Magkasama ang dalawa na napanonood sa morning show na “Unang Hirit,” sila ang madalas na lumalabas ng studio para personal nilang ma-interview ang ipini-feature nilang guests sa out-of-town locations nila.
Sa February 2020 ay one year na ang relasyon nina Juancho at Joyce. Ang magkasundo sila ni Joyce at compatible ang nagustuhan nila sa isa’t isa, masaya sila kapag magkasama at may love language sila kaya hindi sila nag-aaway. Ano ang love language nila ni Joyce?
“Manorpresa, or acts of service, pinagsisilbihan ko siya. Like kapag may pinuntahan siya, pagbalik niya, kung pwede ako sinusundo ko siya o ‘di kaya kung wala akong lakad at may pupuntahan siya, sinasamahan ko siya. In turn, ipinagluluto naman ako ni Joyce. Kumbaga, give and take kami.”
Kaya naman sabi sa social media, sweet boyfriend daw siya. “Lahat ng pino-post ko kasi lalo na regarding kay Joyce, lahat galing sa puso ko. So lahat naman tayo capable of, you know, may kanya-kanyang sweetness. Mas showy kasi ako at iniisip ko kung ano ang magpapasaya kay Joyce.”
Ultimate goal daw nila ni Joyce ang magpakasal, pero sa ngayon kahit napag-uusapan wala pa naman silang definite plan. Tutok muna si Juancho sa kanyang acting career. Nagsimula na silang mag-taping nina Arra San Agustin at Thea Tolentino ng “Madrasta” na sila na ni Arra ang lead stars at first time niyang gaganap na young father.
CLINT BONDAD KINAIINISAN DAHIL PIKON
KUNG naging babae pala si Clint Bondad, napakagandang babae pala niya. Sa “Bebot 2019” ng “Eat Bulaga,” ay sumali siya bilang si Shakira Brown at ang ganda-ganda niya, kahawig niya si Miss World 2015 Megan Young. Sayang bakit hindi kaya ang ginaya niya ay ang girlfriend na si Miss Universe Catriona Gray?
Ibang-iba si Clint as Theo sa romcom series na “Love You Two” with Gabby Concepcion and Jennylyn Mercado na kinaiinisan ng mga televiewers dahil ma-epal siya at pikon.
Ang isa pang bebot na sumali ay si Carlos Agassi bilang si Katy Perry Christmas.