Mga laro ngayon;
(Mall of Asia Arena)
4:30 p.m. – Bay Area vs NorthPort
6:45 p.m. – Phoenix vs Blackwater
BINIGYAN ng Converge si bagong coach Aldin Ayo ng mainit na pro league debut sa 124-110 pagdispatsa sa Terrafirma sa PBA Commissioner’s Cup nitong Biyernes sa PhilSports Arena.
Isang malaking 22-6 assault sa third quarter ang nagbigay sa FiberXers ng 89-73 kalamangan na napalobo pa nila sa 18 sa fourth period na tuluyang bumali sa likod ng Dyip.
Bilang resulta ay naitarak ni Ayo ang kanyang unang panalo magmula nang kunin ang Converge helm mula kay Jeffrey Cariaso at ilagay ang koponan sa trangko matapos ang seventh-place finish sa katatapos na Philippine Cup.
Sa kabila nito ay hindi lubusang nasiyahan si Ayo sa panalo, na pinakamalaking naitala ng isang debuting coach magmula nang tambakan ng Phoenix ni Topex Robinson ang Meralco ng 18 sa 2020 Philippine Cup bubble sa Clark.
“This game we started flat, especially in the first quarter. We were getting our shots, but it’s just that we were not making those shots,” sabi ng coach na gumawa ng ingay sa collegiate ranks. “But I told them that those were good shots and to keep on shooting.”
Ang isang bagay na siguradong ikinatuwa ni Ayo ay ang katotohanang tinupad nito ang pre-conference vow na gagamitin ang fast-paced game para pataubin ang mga katunggali.
“For us, it’s just step on the pedal and full speed ahead,” sabi ni Ayo. “We just have to keep on running because that’s our game.”
Hataw si Quincy Miller ng 38 points at 16 rebounds upang pangunahan ang Converge habang nagdagdag si Maverick Ahanmisi ng 18 markers at 7 assists, at tumipa sina Justin Arana, RK Ilagan, Alec Stockton at Aljun Melecio ng hindi bababa sa 10 points bawa isa sa kanila.
Nag-ambag din si returning Jeron Teng, sumalang sa unang pagkakataon magmula nang malimitahan sa apat na puntos lamang dahil sa hip injury sa Philippine Cup, ng 11 points at 5 rebounds.
Nanguna naman para sa Terrafirma si import Lester Prosper na nagbuhos ng game-high 43 points at kumalawit ng 25 rebounds ngunit umiskor lamang ng 17 points sa second half.
Sa ikalawang laro ay hiniya ng NLEX Road Warriors ang kanilang dating head coach na si Yeng Guiao at ang Rain or Shine Elasto Painters, 96-90.
CLYDE MARIANO
Iskor:
Unang laro:
Converge (124) – Miller 38, Ahamisi 18, Arana 13, Ilagan 12, Teng 11, Stockton 11, Melecio 10, Bulanadi 4, Racal 3, Tratter 2, DiGregorio 2, Ambohot 0.
Terrafirma (110) – Prosper 43, Munzon 14, Tiongson 13, Cabagnot 13, Cahilig 7, Gomez de Liano 7, Calvo 5, Camson 4, Ramos 2, Alolino 2, Javelona 0, Gabayni 0, Mina 0.
QS: 26-30, 62-62, 93-79, 124-110
Ikalawang laro:
NLEX (96) – Clark 26, Chua 18, Alas 15, Nieto 12, Trollano 12, Varilla 4, Ganuelas-Rosser 4, Miranda 3, Magat 2, Rosales 0, Fonacier 0, Ighalo 0.
Rain or Shine (90) – Taylor 21, Nambatac 11, Nieto 10, Caracut 9, Ponferrada 8, Asistio 7, Demusis 6, Belga 5, Ildefonso 4, Santillan 4, Borboran 3, Norwood 2, Mamuyac 0, Torres 0.
QS: 15-24, 36-42, 67-66, 96-90.