MAINIT NA SIMULA SA ELITE

BLACKWATER-ELITE

Mga laro bukas:

(Araneta Coliseum)

4:30 p.m. – Alaska vs TnT

6:45 p.m. – Northport vs Phoenix

KUMANA si Allein Maliksi ng 28 points at 9 rebounds upang pangunahan ang Blackwater sa 104-98 overtime win laban sa TNT sa PBA Governors’ Cup kagabi sa Mall of Asia Arena.

Pinutol ng Elite ang losing streak nito sa Texters. Ang Blackwater, na sumalang sa kanilang unang laro sa conference, ay 0-11 laban sa KaTropa magmula nang lumahok sila sa liga noong 2014.

Mabilis na tumugon sina Maliksi at John Pinto sa sitwasyon ng Elite kung naitala nila ang unang 14 puntos ng koponan sa overtime para sa 97-89 kalamangan, may 2:17 ang nalalabi sa extra time.

Pagkatapos ay naipasok ni Maliksi ang dagger jumper para sa 100-93 bentahe ng Elite sa huling 49.1 segundo ng laro.

Naging emosyonal si coach Bong Ramos sa panalo ng kanyang tropa, na naglaro ng dalawang pocket tournaments sa Indonesia at Macau bago bumalik sa bansa para sa season-ending conference ng PBA.

“I actually saw this kind of game from them during our time abroad, it really helped a lot because it helped with our chemistry,” ani Ramos.

“This is God’s will and I’m sorry if I started crying because I really didn’t have any rest. These tears are from happiness. I want to thank the players because they sacrificed a lot.”

Nag-ambag si Henry Walker ng 23 points at 14 rebounds, habang gumawa si Pinto ng 12 points, anim dito ay sa overtime, makaraang hindi makaiskor sa second half, para sa Blackwater.

Nanguna naman si Terrence Romeo na may team-high 24 points para sa Texters, na bumagsak sa 1-2 kartada.

Iskor:

Blackwater (104) – Maliksi 28, Walker 23, Al-Hussaini 13, Pinto 12, Digregorio 8, Belo 6, Cortez 5, Jose 5, Zamar 2, Javier 2, Sena 0, Palma 0, Banal 0.

TNT (98) – Romeo 24, Davis 23, Castro 20, Pogoy 11, Garcia 5, Semerad 4, Golla 3, Williams 2, Carey 2, Rosario 2, Cruz 2.

QS: 21-18, 38-38, 62-63, 86-86, 104-98.

Comments are closed.