Mga laro ngayon: AUF Sports Arena & Cultural Center
4 p.m. – Phoenix vs Meralco
6:45 p.m. – Blackwater vs NorthPort
NAGPASABOG si Roger Pogoy ng career-high 45 points upang pangunahan ang TNT Tropang Giga sa 100-95 panalo laban sa Alaska Aces sa pagpapatuloy ng 2020 PBA Philippine Cup kahapon sa AUF Sports Arena, Angeles City, Pampanga.
Gumawa si Pogoy, kumana rin ng 10 3-pointers, ng 21 points sa second quarter, kung saan binura ng TNT ang 17-point deficit.
Nagdagdag si Jayson Castro ng 26 points, kabilang ang apat na free throws at isang layup sa huling 1:07 ng laro.
Naging mahigpitan ang laro kung saan nakuha ng Tropang Giga ang panalo sa mga huling segundo sa kabayanihan ni Castro na umiskor ng anim na sunod na puntos.
Nagkaroon ng gasgas sa kaliwang kilay sa Pogoy sanhi ng head-on collision kay Michael de Gregorio sa huling dalawang minuto.
Nagpalitan ng tira ang TNT at Alaska at maraming beses na nagpalitan ng lamang.
Lumamang ang Alaska sa 69-62 at tinapos ang third quarter na abante sa 76-71. Subalit na-outshoot ng Tropang Giga ang Aces sa last quarter upang biguin si head coach Jeffrey Cariaso na pumalit kay Alex Compton.
Maraming sablay at errors ang Alaska sa huling yugto na naging dahilan ng kanilang pagkatalo.
Nakitaan ng pangangalawang ang dalawang magkatunggali dahil kulang sa paghahanda sanhi ng COVID-19 pandemic. CLYDE MARIANO
Comments are closed.