KUMAMADA si Jimmy Butler ng 28 points at 8 assists at naitala ni Goran Dragic ang 20 sa kanyang 25 points sa fourth quarter nang igupo ng bisitang Miami Heat ang Chicago Bulls, 101-90, noong Biyernes (Sabado sa Manila) para sa kanilang ikatlong sunod na panalo.
Makaraang maghabol ng hanggang 11 points sa first half, lumapit ang Bulls bago ang intermission at nanatiling nakadikit papasok sa fourth quarter.
Naghahanap ng secondary scoring option sa buong gabi, ang Heat ay nakakuha ng isa, kung saan naipasok ni Dragic ang dalawang tres bilang bahagi ng personal 8-0 run sa kaagahan ng fourth upang palobohin ang one-point advantage sa siyam.
Lumamang ang Miami ng 14 points sa fourth habang naglaro na wala sina Bam Adebayo (knee) at Avery Bradley (calf).
Tumipa si Zach LaVine ng 30 points, kumalawit ng 6 rebounds at nagbigay ng 6 assists at nag-ambag si Lauri Markkanen ng 20 points para sa Bulls, na natalo ng dalawang sunod sa 5-game homestand at apat sa lima sa kabuuan.
Nagposte si Thaddeus Young ng double-double na 13 points at 10 rebounds at humugot si Wendell Carter Jr. ng 9 rebounds.
SPURS 104, MAGIC 77
Gumawa si Rudy Gay ng 19 points mula sa bench, 12 ay sa fourth quarter, upang pangunahan ang balansiyadong atake ng host San Antonio Spurs kontta Orlando Magic at maitakas ang 104-77 panalo.
Abante ang Spurs ng 8 points sa halftime, ng 10 makalipas ang tatlong yugto at ng 19 sa unang dalawang minuto ng final quarter.
Pinutol ng San Antonio ang two-game losing streak.
Nagdagdag sina Dejounte Murray at Derrick White ng tig-17 points para sa Spurs habang umiskor sina Patty Mills ng 13 at Keldon Johnson ng 11.
Nanguna si Nikola Vucevic para sa Magic na may 26 points at 9 rebounds. Nagdagdag si Dwayne Bacon ng 15 points.
NUGGETS 103, GRIZZLIES 102
Tumapos si Nikola Jokic na may 28 points, 15 rebounds at 7 assists, gumawa ng hook shot, may 34.7 segundo ang nalalabi, at dinepensahan si Ja Morant sa layup attempt nito, may tatlong segundo sa orasan, nang maungusan ng Denver Nuggets ang host Memphis Grizzlies, 103-102.
Umiskor sina Will Barton at. Michael Porter Jr. ng tig-21 points para sa Nuggets.
PELICANS 116, CAVALIERS 82
Nagbuhos si Brandon Ingram ng 28 points at nagdagdag si Zion Williamson ng 23 upang pangunahan ang host New Orleans Pelicans kontra Cleveland Cavaliers, 116-82.
Nakakolekta sina Stevens Adams ng 10 points at 17 rebounds, Nickeil Alexander-Walker ng 15 at Jaxson Hayes ng 13 points para sa Pelicans na nakabawi sa embarrassing loss sa nauna nilang laro.
Tumirada si Collin Sexton ng 19, at nag-ambag sina Quinn Cook ng 13 at Larry Nance ng 11 upang pagbidahan ang Cavaliers.
76ERS 127, WIZARDS 101
Tumabo si Joel Embiid ng 23 points at 7 rebounds bago inilabas dahil sa hyper-extended left knee sa third quarter at pinulbos ng bisitang Philadelphia 76ers breezed ang Washington Wizards, 127-101.
Nag-ambag sina Shake Milton at Furkan Korkmaz ng tig-18 points mula sa bench habang nagsalansan si Tobias Harris ng 14 points at 8 rebounds.
Gumawa rin si Seth Curry ng 14 points at nagdagdag si Danny Green ng 12 para sa Sixers, na naitala ang kanilang ikatlong sunod na road victory.
Howdy, There’s no doubt that your web site might be having browser compatibility problems. Whenever I take a look at your site in Safari, it looks fine however when opening in IE, it’s got some overlapping issues. I merely wanted to give you a quick heads up! Besides that, fantastic website!
An outstanding share! I have just forwarded this onto a friend who has been doing a little homework on this. And he in fact ordered me lunch simply because I discovered it for him… lol. So allow me to reword this…. Thank YOU for the meal!! But yeah, thanx for spending time to talk about this issue here on your blog.
Pretty! This was an extremely wonderful article. Many thanks for supplying these details.
This site was… how do I say it? Relevant!! Finally I’ve found something that helped me. Many thanks.
I blog often and I truly appreciate your content. This great article has truly peaked my interest. I am going to take a note of your website and keep checking for new details about once a week. I subscribed to your Feed too.