HINDI nawawala sa mesa sa mga pagdiriwang ang dessert. Puwedeng fruit salad – pero kung maliit lang ang badyet, maja blanca na lang. Masarap na, mura pa. At dahil nga pandemic ngayon, puwede tayong magnegosyo. Ngunit syempre, dapat ay presentable ang maja ninyo para maging mabili kaya maaring gumawa ng paraan para magmukhang cake na mabebenta sa murang halaga.
Madaling gawin ang maja blanca pero kailangan mong maghintay ng ilang oras bago ito makain.
At siyempre, ang usual serving ay sa bilao. This time, gagamit tayo ng 4-inch, 6-inch at 8 inch cake molders para sa three-layer cake. Napa-kasarap po ng ating maja jelly, napakamura at napakaganda pa ng presentation. Mukhang cake talaga wala nga lang harina at yeast.
Kakailanganin natin ang isang tasa ng cornstarch, isang lata ng condensed milk, isang lata ng evaporated milk, isang sachet ng unflavored gelatine, isang tasang kakang gata, 3 tasa ng gata ng niyog (ikalawang piga), isang tasang raisins, ¼ tasa ng chopped nuts, kalahating tasa ng margarine o butter at isang tasa ng chopped yellow corn. Puwede ring gumamit ng yellow na food coloring.
Unahin po nating gawin ang toppings. Pakuluan hanggang maging langis ang isang tasang kakang gata sa mahinang apoy. Kailangan pong mahina para hindi masunog. Set aside po muna ito. Ihiwalay ang langis.
Pagsama-samahin ang iba pang nalalabing sangkap. Haluing mabuti ngunit huwag munang bubuksan ang kalan. Tunawing mabuti ang cornstarch at gelatine. Kapag tunaw na tunaw na, buksan ang kalan sa low-medium heat. Haluin habang niluluto., Hanguin kapag medyo mal-apot na. Huwag hahayaang kumulo.
Isalin ang nilutong mixture sa mga hulmahang pinahiran ng langis at nilagyan ng baking paper.
Pagkatapos lagyan ng baking paper ay pahiran ulit ng langis para siguradong hindi didikit ang maja.
Lagyan ng isa at kalahating tasa ng mixture ang pinakamaliit na hulmahan, 2 tasa sa 6-inch molder at 3 cups naman sa 8-inch molder. Hu-wag kalilimutang ligligin para pantay. Hayaang lumamig ng ilang minuto at pagkatapos ay palamigin sa refrigerator ng dalawang oras.
Kapag matigas na, tanggalin sa mga molder at ilagay sa mga cake frames.
Ribbons at mga plastic flowers ang ginagamit din na decoration dito o kaya naman ay chocolate bits para siguradong didikit.
Costing
Sobrang mura ng ating maja jelly. P5 ang cornstarch, P44 ang condensed milk, P23 ang evap milk, P36 ang niyog, P5 ang margarine, P5 ang raisins, P5 ang mani, at P11 ang gelatine. Isama na natin ang reusable frame na P120 at P10 na baking sheet. Lahat-lahat, may puhunan tayong aabot sa P264. Idagdag natin ang decorations at labor cost kaya isara natin sa P300. Puwede natin itong ibenta ng P600 kaya may tubo tayong P300 din. Murang mura ito dahil ang cake ay P500 ang pinakamura at isang layer lang. Kung gusto ng mas maraming decorations, halimbawa ay shower lights o cake doll, magdadagdag ng presyo para ditobpero ang mahalaga ay nakagawa tayo ng maja jelly na mukhang cake sa presyong abot-kaya. Napakadali nitong ibenta ngayong Kapaskuhan o kaya naman ay sa New Year’s eve, o kung may birthday, anni-versary o kahit ano pang okasyon. Kung isa-isa naman ang benta sa mga layer, puwede itong ibenta ng P100, P150 at P200. May kita pa rin tayong P250.
(Kung mayroong katanungan o may recipe na gustong ipa-feature, sumulat po lamang sa [email protected]. NENET L. VILLAFANIA
Comments are closed.