NAGSAMA-SAMA ang TV5, ABS-CBN at GMA-7 sa paggawa ng isang a star-studded Christmas station ID na may theme ngayong 2021 na “Atin Ang Pasko, Kapatid,” isang four-minute Christmas ID na inilabas noong November 22 na si Maja Salvador ang nangunguna.
Si Maja ang bida sa prime-time series na Niña Nino.
Para sa TV5, mga host ng top-rating program na Sing Galing ang kasama tulad nina Rey Valera, Randy Santiago, Ethel Booba, Allan K, K Brosas, Donita Nose, Jessa Zaragoza, at Ronnie Liang.
Sa GMA7, mga Eat Bulaga! Mainstay naman na sina Maine Mendoza at Paolo Ballesteros ang kasama, habang sa ABS-CBN naman ay ang FPJ’s Ang Probinsyano stars na sina Coco Martin at Julia Montes ang nag-participate. Kasama rin sina Charlie Dizon at Joshua Garcia ng Viral Scandal at pati sina Regine Velasquez, Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Maymay Entrata, Loisa Andalio, Ronnie Alonte, at Darren Espanto ng ASAP Natin ‘To.
Hindi rin nagpakabog ang mga blocktimers ng VIVA TV sa pangunguna nina Cristine Reyes at Aga Muhlach ng Masked Singer Pilipinas, pati si dating ABS-CBN newscaster Ted Failon na may radio show sa Radyo5 at si Korina Sanchez ng Rated Korina. – KAYE NEBRE MARTIN