TILA nakaramdam ng pagkairita si Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez III sa sumasamang collection performance ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) at bilang head ng economic team ay nais nitong irekomenda kay Presidente Rodrigo Duterte ang major revamp sa dalawang naturang ahensiya.
Sinabi ng source na diskuntento ang DOF sa duties and collection performance ng key officials ng BIR at BOC kaya nais niyang balasahin ang mga ito para mas mapaganda ang tax collection performance ng regional directors, revenue district officers, chief assessments and auditors, group supervisors hanggang sa examiners para makamit ang tax collection goal.
Nais ng DOF chief na ma-upgrade ang collection performance ng mga opisyal at tauhan ng BIR at BOC sanhi ng unprecedented damage na nilikha ng COVID-19 pandemic para mabilis na makabangon ang bansa sa pinsalang idinulot nito sa ekonomiya.
Hindi umano sapat ang pinakahuling reshuffle. Sa pagkakataong ito, nais umano ni Secretar Sonny na magrekomenda muna ng dalawa hanggang tatlong pangalan sa kanya si Commissioner Billy bago palitan ang isang partikular na posisyon sa hanay ng regional directors o RDOs.
Galing mismo sa mungkahi ng mga economic manager ang suhestiyon na balasahin ni Secretary Dominguez ang BIR at BOC para higit nitong mapalakas ang tax collections at makuha ang tax goal na labis naapektuhan ng pananalasa ng COVID-19 pandemic.
Sa ‘new normal’ policy ng DOF, nais ni Dominguez na magkaroon ng monthly meeting ang BIR at BOC para talakayin ang lalim ng pinsalang dulot ng pandemya sa tax collections at kung anong mga paraan ang dapat nilang gawin para makamit ang tax collection goal mula Enero hanggang sa pagtatapos ng tax calendar year sa December 2020.
Dahil sa pandemya, nagdesisyon ang fiscal authorities na bawasan ang BIR tax collection goal mula sa orihinal na P2.4 trillion sa P1.7 trillion matapos umangal ang mga key official na hindi nila kakayanin na kolektahin ang napakataas na tax goal.
Suportado ng finance at budget departments ang bagong methods of tax strategy ng fiscal management para mapunan ang shortfall sa tax collections tulad ng massive tax campaign sa layuning makamit ang collection target, ma-sustain ang collection growth, ma-improve ang taxpayers satisfaction and compliance, ma-strengthen ang good govenance, ma-improve ang assistance and enforcement processes, at mapalawig ang information technology system na may mataas na kalidad, integridad, competence, professionalism at satisfaction of human resource.
Ang major shake up, ayon sa source, ay agad ipatutupad sa sandaling aprubahan ito ni Pangulong Duterte.
Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09266481092 o mag-email sa [email protected].
Comments are closed.