GUMUHIT ng kasaysayan si presumptive President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. matapos na makakuha ng napakataas na bilang ng boto upang ituring siyang ‘majority president’ sa pagpapatuloy ng bilangan sa nakaraang May 9 elections.
Ang yumaong ama ng ika-17 pangulo ng Pilipinas, si Ferdinand Marcos, ay nahalal ding majority president o nakakuha ng majority votes noong kanyang kapanahunan. It means that the winner got more than 50% of the total votes cast. Other winner who generated less than one-half are deem minority president.
Ang mga nahalal na presidente ng bansa, maliban kay former strongman Ferdinand Marcos, Sr., ay itinuturing na plurality president gaya nina Fidel Ramos, Joseph Estrada, Gloria Arroyo, Benigno Aquino III at maging si Rodrigo Duterte. Si Pangulong Cory Aquino ay hindi naman nanalo sa halalan at nailuklok lamang sa rebolusyonaryong paraan at lahat ng mga nabanggit ay itinuturing na ‘minority president’.
Sa pagpapatuloy ng bilangan ng boto, halos kalahati lamang ng botong mahigit sa 31 milyon ni Bongbong ang tinamo ni Vice President Leni Robredo.
Si Pangulong Cory noong 1986 polls ay umani lamang ng 46.10% votes laban kay Marcos na nakapagtala ng 56.62%. Sa panahon ni FVR ay nakapagtala naman ito ng 23.58% laban kina Miriam Santiago 19.72%, Danding Cojuangco 18.17%, Ramon Mitra 14.64%, Imelda Marcos 10.32% at Jovito Salonga 10.16%, habang sa panahon ni Erap ay nakakuha ito ng 39.86%, at sina GMA ay 39.99%; Pnoy, 42.08%; at Duterte, 39.01%.
Nakakuha rin ng majority votes ang running mate ng batang Marcos na si Inday Sara-Duterte na halos 31 milyon at malayo na sa pumangalawang si Sen. Kiko Pangilinan na nagtamo lamang ng mahigit siyam na milyong boto.
Papalitan ni Bongbong ang magtatapos sa terminong si Pangulong Duterte at mamanahin nito ang halos P12.5 trilyong utang ng bansa, gayundin ang unti-unting bumabangong ekonomiya ng bansa, ang tinatawag na political poll bloomberg ng mga mamumuhunan, ang mataas na bilang ng walang trabaho, ang patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo, at maging ang mga pangunahing bilihin na siyang nagpapahirap sa sambayanan.
“Ang tagumpay ay naglalagay sa bagong uupong Presidente ng bansa sa isang makapangyarihang posisyon,” ayon kay Mr. Alex Holmes, Asian economist sa London- ased Capital Economics.
Sa senatorial race, nangunguna si action star Robin Padilla, sumusunod sina Loren Legarda, Raffy Tulfo, Win Gatchalian, Chiz Escudero, Mark Villar, Allan Peter Cayetano, Joel Villanueva, Migz Zubiri, JV Ejercito, Risa Hontiveros at Jinggoy Estrada.
“If the administration was able to win nine seats out of 12, they would be able to have a veritable ‘super-majority’ in the Senate of a minimum 17 senators. Seventeen senators out of 24 is a majority that will be two-thirds, plus one and technically, the magic number required for the Senate to EVEN OVERRIDE any ‘veto’ by the President,” ayon sa source.
Sinabi pa ng source na, “when they have this 17 out of 24 they will have the power and legal number to be able to amend the 1987 Constitution from Presidential to Federal form and ratify new defense treaty with China.
Inaasahang maluluklok ang nakatatandang kapatid ni Bongbong na si Senadora Imee Marcos o sinuman umano kina Senators Bong Go at Bato Dela Rosa bilang bagong Senate President na mamumuno sa sinasabing ‘super majority sa Senado.
Sa Kongreso, inaasahang magtutunggali sa para sa speakership sina former President Gloria Macapagal-Arroyo at Majority Floorleader Martin Romualdez.
Sa mga naglabasang pangalan na itinalaga umano ni presumptive President Marcos, dalawa pa lamang sa mga ito ang kumpirmado. Sila ay sina presumptive Vice President Inday Sara (Department of Education) at former Mayor-Cngressman Benjamin Abalos, Jr. (Department of Interior and Local Government).
Mariing itinanggi ng kampo ni Marcos ang mga ulat na itinalaga niya sa puwesto sina
Mike Arroyo (Deparment of Energy), Atty. Vic Rodriguez (Executive Secretary), Cesar Purisima (Department of Finance), Jose Arnulfo Veloso (Department of Foreign Affairs), Prof. Clarita Carlos (Department of Health), former Congressman Rodante Marcoleta (Department of Justice), Susan Ople (Department of Labor and Employment), Congressman Roger Mercado (Department of Public Works and Hihways) at Arthur Tugade (the same post: Department of Transportation).
Sinabi ng kampo ni Marcos na ang nasabing listahan ay hindi nanggaling sa kanila at maaaring bahagi lamang ito ng imahinasyon ng ilang tao na gustong lituhin ang sambayanan.
vvv
Para sa komento o opinyon, mag-text lamang po sa 09266481092 o mag- email sa [email protected].