BALIK ang Philippine peso sa P51:$1 level kahapon kasunod ng desisyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na bawasan ang reserve requirement ratio (RRR).
Ang local currency ay humina ng 24 centavos upang magsara sa P51.14:$1 laban sa P50.9:$1 noong Martes.
“Muling humina ang piso sa mahigit 51-peso level makaraang ianunsiyo ng BSP ang panibagong pagbabawas sa reserve requirement ng 2 percentage noong Martes,“ ayon kay Guian Angelo Dumalagan, market economist sa Land Bank of the Philippines,
Inanunsiyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kamakalawa ang pagbabawas ng 200 basis points sa reserve requirement para sa lahat ng universal at commercial banks simula sa susunod na Lunes, March 30.
“The move will allow the central bank the flexibility to address any possible liquidity strain in the industry,” wika ni BSP Governor Benjamin Diokno.
Para sa mga susunod na araw, umaasa si Dumalagan na lalakas na ang piso dahil sa nakatakdang pagpapalabas ng economic data.
“Towards the end of the week, the local currency might appreciate, as investors might take profit amid likely weaker US durable goods orders and caution ahead of key US economic reports on consumer sentiment, personal spending, personal income, and personal consumption expenditure inflation,” paliwanag niya.
“These reports are seen to weaken in February and March this year due to business disruptions caused by the deadly virus,” dagdag pa niya.
Comments are closed.