‘MAKASALANANG’ PULIS DUMAMI NOONG 2019

PULIS-10

CAMP CRAME – LUMOBO ng hanggang 18 percent ang bilang ng mga pulis na nahuli ng Integrity Monitoring and Enforcement Group ng Philippine National Police (PNP-IMEG) dahil sa iba’t ibang katiwalian na kinasangkutan.

Batay sa datos ng PNP IMEG , 52 ang mga pulis na kanilang naaresto noong 2019, na mas mataas kung ikukumpara sa 44 mga pulis na nahuli noong 2018.

Pito sa mga naaresto ay mga Police Commissioned Officers (PCO)  habang 43 naman  sa mga ito ay Police Non-Commissioned Officers (PNCO).

Pinakamarami sa mga nahuli ay mga pulis na nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO) at Police Regional Office 3.

Batay rin sa datos ng IMEG, robbery extortion ang nangunguna sa listahan ng mga krimen na kinasasangkutan ng mga pulis, ikalawa ang illegal drugs at ikatlo naman ang ilegal na sugal. REA SARMIENTO