SA sobrang workaholic ni Alden Richards at moneyed na ay hindi na nakapagtataka kung magpatayo siya ng sarili niyang supermarket sa bukana ng Golden City sa Sta Rosa, Laguna.
Talk of the town daw sa mga tagaroon na nabili ni Alden ang rights ng dating malaking grocery store na patatayuan niya ng bago at planong magparenta ng stalls rito. Siguradong papatok daw ang negosyong ito ng actor dahil matao ang lugar at dito nagpa-park ang jeep at tricycle.
Kapag nagbukas ito ay pang-ilan na ba ito sa mga negosyo ni Alden na may tatlong branch na ng Concha’s Garden Cafe sa Tagaytay, Laguna, at sa may Tomas Morato. Tapos may isang franchise din siya ng McDonalds at malamang dahil sa dinudumog din ang kanyang branch sa Biñan, Laguna ay madagdagan pa ng branch ang popular food chain ng Kapuso actor.
DOVIE SAN ANDRES KINIKILIG SA KANTANG “45” NI KERVIN AT KENNETH SAWYER NA ENTRY SA MUSIKO
MAGANDA at totoong lyrics ang 45 (Kwarenta’y Singko) na composed ni Moises Mendez at inawit ng magkapatid na Kervin and Kenneth Sawyer na entry song nila sa “Musiko” na napapanood tuwing Sabado at 11 AM and 8 PM sa INCTV. Marami ang makare-relate sa awitin at isa na ang controversial social media personality na si Dovie San Andres na kinikilig tuwing napapakinggan ito.
Sobrang lamig rin kasi ng boses nina Kervin at Kenneth at bagay talaga sa kanila ang song at standout sila para sa amin sa kanilang acoustic session.
Love ni Dovie ang Sawyer brothers especially na napapasaya siya ni Kervin tuwing nagla-like at comment ito sa kanyang mga post sa FB account. Ramdam din nito ang sincerity ng singer, na concern sa kanya at pinayuhan siyang dapat huwag basta-basta magtitiwala at huwag magpapaloko sa mga lalaking matatamis ang dila.
Ang wish pala ni Dovie sana sa pag-uwi niya ng Pinas ay mapanood niyang mag-perform ng live si Kervin at Kenneth.
SUGOD BAHAY WINNER NA SI ANN NAPAKASIPAG NA MAYBAHAY
SA isang pamilya napakahalaga ng pagtutulungan ng bawat isa, ‘yan ang pinakita sa atin ng ating Sugod Bahay Winner na si Ann na tulad ng ibang working moms ay ginagamit ang abilidad para makatulong sa kanyang asawa sa pagbebenta sa online kasabay ng pag-aalaga ng kanilang mga anak.
Ani Ann: “Kung kaya ko pang magtrabaho ng isa pa, gagawin ko para sa mga anak at sa asawa ko. Gano’n sila kahalaga kaya ‘yung mapapanalunan ko ay ilalaan ko sa pag-aaral pero magtatabi ako sa bangko para pa rin sa kanila.”
O ‘di ba, hindi lang masipag itong si Ann, kundi alam niya kung saan niya ilalagay ang perang napanalunan sa Sugod Bahay. Umabot sa mahigit P100k ang ipinagkaloob na premyo ng Eat Bulaga sa nasabing winner.
Congratulations, Dabarkads Ann!
Comments are closed.