NAGPAABOT ng ‘good luck wish’ ang Malacañang kay Filipino ring icon Manny Pacquiao sa kanyang pagtatangkang agawin ang World Boxing Association (WBA) super welterweight title kay undefeated American boxer Keith Thurman sa Linggo, Hulyo 21.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na bagama’t alam niyang ang mas bata at mas matangkad na si Thurman ay mahusay na boksingero at magaling din si Pacquiao.
“We wish him the best of luck in the world,” wika ni Panelo sa isang briefing sa Palasyo.
“I have seen some of the fights of Thurman, mukhang magaling din eh; bata pa, magaling… Pero iyong ating boxer, eh magaling din, eh,” dagdag pa niya.
Si Thurman, naging world champion magmula noong 2013, ay may perfect 29-0 record, kasama ang 22 knockouts.
Samantala, si Pacquiao, mas matanda ng 10 taon sa 30-anyos na si Thurman, ay tanging boksingero na nanalo ng 12 major world titles sa walong magkakaibang weight divisions. Mayroon siyang 61 panalo, kabilang ang 39 via knockouts, 7 defeats at 2 draws.
Ang Pacquiao-Thurman fight ay gaganapin sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.
Comments are closed.