NALALAPIT na ang pagtanggap ng cash gift mula sa pamahalaan ng mga nakatatandang Pilipino na tutuntong sa mga edad na 80 at 90.
Ito ang sinabi ni National Unity Party (NUP) President at Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte matapos na aprubahan ng Kamara at Senado ang pagbibigay ng pera bilang regalo sa mga octogenarian at nonagenarian.
Sa kasalukuyan, ang mga senior citizen na umabot sa 100 taong gulang o bilang centenarians ang sila lamang binibigyan ng cash gift.
“Seldom do Filipinos reach the age of 100, so what better way for the national government and the Congress to show our country’s appreciation for the significant contributions of our grandparents and other seniors to society during their relatively more productive years than to give them cash gifts not only when they become centenarians but even when they turn 80 and then 90 years old,” ang paliwanag ni Villafuerte, isa sa principal authors ng naturang panukala.
Ayon sa Camarines Sur lawmaker, ang kinakailangan na lamang ay magkaroon ng reconciled version na hiwalay na raratipikahan ng dalawang kapulungan upang magkaroon ng opisyal na panukala na isusumite sa Malakanyang at pipirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang ganap na maging batas at maipatupad.
Base sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), noong Mayo 2020, nasa 12.3 million Filipinos ang 60-anyos pataas o katumbas lamang ng 11% ng kabuuang populasyon ng bansa.
ROMER R. BUTUYAN