MALAWAKANG CONTACT TRACING ILULUNSAD

contact tracing

NUEVA VIZCAYA–MAGLULUNSAD ng ma­lawakang contact tracing ang pamahalaang Lokal ng Solano at Dupax Del Sur para matukoy ang mga maaaring naging direct contact at 1st degree contact ng mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19.

Ito ay matapos na kumpirmahin ni Dr. Edwin Galapon, head Provincial Task Force on CO­VID-19, ang 19 na panibagong kaso ng CO­VID-19 ay mula sa bayan ng Solano at apat naman ang mula sa Dupax Del Sur na karamihan sa mga nagpositibo ay mga magkakamag-anak na nahawa sa isa’t isa.

Dahil dito, umakyat na sa 167 ang naitalang kumpirmadong kaso ng virus, kung saan pito ang naitalang patay.

Samantala sa Cauayan City, Isabela ay pansamantalang isasara ang Cauayan City Hall simula kahapon ng alas-12 ng tanghali hanggang alas12 ng madaling araw ngSetyembre 14 upang bigyang daan ang isasagawang contact tracing ngayong araw matapos na maitala ang 12 mga karagdagang nagpositibo sa kaso ng COVID-19 na karamihan ay mga empleyado ng City Hall. IRENE GONZALES

Comments are closed.