NAG-STAYCATION lamang si phenomenal star Maine Mendoza last Christmas day dahil mas pinili niyang sorpresahin ang mga fans nila na nanood ng kanilang “Mission Unstapabol: The Don Identity” na entry ng APT Entertainment at M-Zet Productions na ipinalalabas na ngayon simula pa noong Christmas day, December 25, para sa 45th Metro Manila Film Festival (MMFF). Kasama niya sa movie sina Vic Sotto, Jose Manalo, Wally Bayola, Jake Cuenca, Pokwang, sa direksiyon ni Mike Tuviera.
Nagulat at nasorpresa talaga ang mga fans na nanood sa apat na cinemas na pinuntahang mag-isa ni Maine, ang Trinoma sa Quezon City, Robinson’s Galleria sa Mandaluyong City, Market! Market! at BGC in Taguig City at sa SM Mall of Asia sa Pasay City. Wala kasing nagsabi na darating si Maine. Kaya naman nakapag-group selfie si Maine sa kanila na best Christmas gift daw na natanggap nila.
Dati kasi, three years ago, and every year, until last year, pagkatapos ng Parade of Stars ng MMFF, dahil lagi siyang may festival entry, nagbabakasyon na si Maine kasama ng buo niyang family. Pero this time, nasa bahay nila siya sa Bulacan with her family na hindi rin nagbakasyon abroad, kaya magkakasama silang nag-Noche Buena last Christmas Eve. Time din kasi ni Maine na magpahinga naman after ng sunod-sunod na trabaho bago nag-December. Kaya huwag ipilit ng iba na nagbakasyon si Maine na iba ang kasama dahil hindi naman talaga totoo.
UNOFFICIAL FIRST DAY BOX-OFFICE GROSS RANKING NG MMFF
NAKAKUHA kami ng unofficial first day box-office gross ranking ng MMFF: 1)The Mall The Merrier, 2) 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon; 3) Miracle In Cell No. 7; 4) Mission Unstapabol: The Don Identity; 5) Sunod; 6) Mindanao; 7) Culion; 8) Write About Love.
Patuloy po nating tangkilikin ang MMFF 2019 na tatagal up to January 7, 2020.
SMOKEY MANALOTO IKINATUWA ANG GUESTING SA SERYE NI ALDEN
KAGABI, sa episode ng inspirational drama series ni Alden Richards ba “The Gift,” last time nang napanood ang special guest nila, si Smokey Manaloto, na kilala namang isang Kapamilya actor. Pero labis ang pasasalamat ni Smokey na inimbita siyang mag-guest sa serye ni Alden.
Gumanap si Smokey bilang si Bradley, isang pulis na tumulong kay Sep (Alden) para mahuli ang mortal enemy niyang si Jared (Martin del Rosario). Kapatid naman si Bradley ni Helga (Sophie Albert), na kaibigan ni Sep.
“Isa sa pinakamagandang regalong natanggap ko ngayong Pasko ang mapabilang sa mga guests ng #TheGift,” tweet ni Smokey. “Maraming salamat po sa pagtanggap ninyo sa akin. Merry Christmas po sa inyong lahat.”
Mas kapana-panabik ngayon ang pagtutok sa “The Gift” gabi-gabi after ng “Beautiful Justice” dahil nalaman na ni Nadia (Jean Garcia) ang anak na akala niya ay patay na, si Joseph, ay si Sep na pinagmalupitan niya. Kung sakali, matanggap ba ni Sep na si Nadia ang kanyang tunay na ina na matagal na niyang gustong mayakap?
Comments are closed.