KASAMA ng kanyang business partner na si Karylle Tatlonghari-Yuzon, maganda ang takbo ng bagong branch ng Books and Borders Café sa Tuscany, McKinley Hill, Taguig ni Kapuso actor Benjamin Alves.
Kahit na isinasabay sa kanyang negosyo ang pag-aartista kapag walang shooting o commitment, madalas bumisita si Benjamin sa dalawang branch ng business nilang ito ni Karylle na nasa Eastwood ‘yung isa. Nakatutok rin dito si Karylle na may isa pang negosyong Karaoke Bar kasama si Anne Curtis.
Samantala, nasa planning stage na rin ang bubuksang Lugawan ni Benjamin na may kakaibang twist raw at sosyo sila rito ng kaibigan niyang si Robbie Antonio.
Ang promise ng actor, the best lugaw ang ise-serve niya sa customers. Inspired daw si Benjamin at happy ito sa piling ng kanyang new girlfriend na si Chelsea.
KAREN DAVILA GANDANG-GANDA SA MRS. HAWAII 2019 NA SI MERANIE GADIANA RAHMAN
NAGING guest nina Jobert Sucaldito at Ahwell Paz sa kanilang programa sa DZMM Teleradyo si Mrs. Hawaii Transcontinental Meranie Gadiana Rahman na kasalukuyang nasa Pinas para sa kanyang charity work na medical mission sa lugar nila sa Talisayan, Cagayan de Oro. May ilang activities rin na gagawin si Meranie na last week ay nagpaunlak ng interview kay Mario Dumaual para sa TV Patrol, Jeff Fernando sa Umagang Kay Ganda at sa Cinema One Entertainment News.
Pagkagaling pala sa show ni Mama Jobert, ay dinala ni katotong Joey Sarmiento si Meranie sa studio ng Bandila at nakita siya ng host ng evening news program sa ABS-CBN na si Karen Davila na bulong pa sa amin ay gandang-ganda kay Meranie. Kaya, hayun, nagpa-selfie si Meranie kay Karen at Julius Babao. Masaya si Meranie na nakita niya ng personal ang mga host ng pinanonood niyang Bandila sa Hawaii.
Siyempre ang wish ng international beauty queen ay ma-feature din siya sa Bandila kahit VTR interview lang. Nagpapasalamat rin pala si Meranie sa oras na ibinigay sa kanya ni Mario Dumaual na madalas rin niyang mapanood sa TV Patrol sa TFC. Gusto ring mag-guest ng kaibigan naming beauty queen sa CNN Philippines na malakas daw sa abroad.
EAT BULAGA TULOY SA PAMAMAHAGI NG PLASTIC NA UPUAN AT KAGAMITANG PANG-ESKUWELA
BUKOD sa nalilinis na ang kapaligiran sa iba’t ibang Barangay ay napapakinabangan pa ang lahat ng mga plastic na bagay na kinokolekta ng Eat Bulaga na ipinagagawa nilang upuan. At matagal na panahon na silang namimigay ng plastic na upuan na may lalagyan ng libro o iba pang gamit sa eskuwelahan. Ang latest na napagkalooban ng Plastic ni Juan project kabilang ang upuan, libro, at iba pang kagamitan pang-eskuwela ay ang Benigno V. Aldana National High School sa Pozorubio, Pangasinan at sa Taliptip National High School sa Bulacan. Ito ay bunga ng pagbabayanihan ng ating mga Dabarkads sa barangay!