ILANG taon na ang pinagsosyohang resto nina Bea Alonzo at Chef Dino Peralta na Big D’s Smokehouse, isang casual resto na located sa Venice Grand Canal mall, Mckinley Hills, The Fort.
Isa raw sa paboritong orderin ng customers ay ang smoked ribs na personal favorite raw ni Bea. According to Chef Dino ay mahina kumain ang kaibigang Kapamilya actress. “Talagang she takes care of her food intake,” sey pa ni Chef.
Samantala, isa na ring franchise owner ng kilalang coffee shop sa Amerika na Dean & Deluca itong si Bea at kamakailan lang ay nagkaroon sila ng soft opening na dinaluhan ng showbiz and non-showbiz friends ng aktres.
Nag-post si Bea ng larawan ng kanyang Coffee Shop sa kanyang Instagram account na may caption na, “I am happy to announce that we are having our soft opening today of Dean and Deluca in Quezon City. I’ve been so excited about this new venture and I can’t wait to dine with you guys and run you through our delectable menu. Visit us at Scout Tuazon cor Scout Rallos today!”
JC GARCIA NAGPO-PROMOTE NG KANYANG SINGLE NA “MAGBAGO KA”
COMPOSER na rin ni JC Garcia si Richard Tanhueco na sumulat ng hit song ni Jessa Zaragosa na “Siya Ba Ang Dahilan” para sa single ni JC na “Magbago Ka,” isang makabayan song na kanyang ipino-promote sa San Francisco California at dito sa Pinas. Sa January 2020 pa ang full-blast ng kanyang promotion pero, gabi-gabi, mula 11 hanggang 12 midnight, inyong maririnig sa aming “Star Na Star” radio program with my Bff Pete Ampoloquio, Jr and Abe Paulite a.k.a Papa Umang sa DWIZ(882 KHZ) ang nasabing song ni JC.
Maliban sa danceable ang “Magbago Ka” ay maganda ang rap part at ang pagkaka-record ni JC ng kanyang kanta. Sunod namang ipo-promote ng nasabing singer/dancer/choreographer/radio anchor ang Tagalog hugot love song “Paalam” na mula pa rin sa komposisyon ni Tanhueco. Sa 4 cuts ng kanyang CD Lite album ay dalawa na ang natapos ni JC at dalawa pa ang ire-record niya sa Arizona, USA.
“I will be back to Phoenix Arizona to finish my album and hopefully, I can start doing promoting by January 2020,” sabi pa ni JC.
PAGKATAPOS NG PA-MACHO MEN, EB 90s DANCE CONTEST HAHATAW
SA rami nilang naglaban last Saturday sa grand finals ng “Pa-macho men” na payat at chubby ang kabilang sa finalists, si Betong ang siyang nag-standout sa lahat at itinanghal na grand winner at prize na tumataginting na P50k.
Pagkatapos ng Pa-Macho Men na kinagiliwan ng lahat, simula nitong November 25 ay humataw naman sa dance floor ang mga magiging contestant sa another hit throwback segment sa Bulaga na “EB 90s Dance Contest.” Open ito sa mga Cheerdancers o Pep Squad ng college/university na kailangang bumuo ng 15-20 members na enrolled this semester.
Sa mga nais mag-join? Send your audition video to [email protected].
Comments are closed.