MALIGAYANG IKA-76 NA KAARAWAN, PANGULONG RODRIGO ROA DUTERTE!

duterte

SIMPLE, matapang at may paninindigan!

Ilan lamang ‘yan sa mga katangian ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nagustuhan ng sambayanang Filipino kaya iniluklok siya bilang ika-16 na pangulo ng Filipinas noong 2016 elections.

Sinusubok man ng kontrobersiya ang kanyang pamahalaan dahil sa hindi matapos-tapos at patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa, nananatiling positibo ang kaniyang pananaw na malalapagsan pa rin natin ang pandemya.

Sa opisyal na pahayag ng Palasyo, ang tanging hiling  ni Pangulong Duterte sa kanyang kaarawan ay ang matapos na ang pandemya.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nais ng Pangulo na bumalik na sa normal na pamumuhay at nang makapag-focus na rin ang administrasyon sa pagbuhay ng ekonomiya katulad ng sa panahong wala pang krisis tulad ng nararanasan natin ngayon.

“Nais po niyang lahat tayo ay makabalik po sa buhay nating mga normal. Ibig sabihin, babalik tayo dun sa napakataas na ating growth rate taon-taon because ang kanyang pangako ay mas komportableng buhay sa lahat,” pahayag ni Roque sa isang virtual presser.

Nauna nang nagpahayag  si Senator Christopher ‘Bong’ Go noong nakaraang kaarawan ng Pangulo na ipagpapalibaan muna nito ang selebrasyon hanggang hindi pa tuluyang natatapos ang kinakaharap nating pandemya dulot ng COVID-19.

“The President will only celebrate when we have full conquered the COVID-19 situation. For now, he is focused on what needs to be done —  nandito ako para suportahan palagi si Pangulong Duterte,” ani Sen. Go.

Matatandaan na nagbigay ng optimistikong pahayag si Pangulong Duterte nitong mga nakalipas na araw na malalagpasan din ng mga Filipino ang pandemya.

“I will just say to my countrymen that do not despair. Kaya natin itong COVID na ito. Maliit na bagay ito sa buhay natin. Marami tayong dinaanan[g] mas ano, mas grabe, mas mahirap, mas magluluha kayo,” ayon kay Pangulong Duterte.

Nakikiisa po kami sa hangarin ng Pangulo na matapos na ang krisis na ito. Hinihiling po namin sa ating mga kababayan na laging sumunod sa mga health protocol. Ugaliing magsuot ng face mask at face shield, umiwas sa kumpulan o dumistansiya sa ibang tao at mahugas palagi ng mga kamay.

Tulungan natin ang ating pamahalaan. Iwasan muna natin ang pamumulitika. Magkaisa tayo laban sa COVID-19 pandemic.

Muli, ang aming taos-pusong pagbati sa iyong ika-76 kaarawan, Pangulong Rodrigo Duterte! CRIS GALIT

4 thoughts on “MALIGAYANG IKA-76 NA KAARAWAN, PANGULONG RODRIGO ROA DUTERTE!”

  1. 114559 600174Oh my goodness! a great post dude. A lot of thanks Nonetheless We are experiencing dilemma with ur rss . Dont know why Can not sign up to it. Could there be anybody finding identical rss difficulty? Anyone who knows kindly respond. Thnkx 383959

Comments are closed.