Laro ngayon:
(Mapua Gym)
4 p.m. – Mapua vs CSB (Men)
SISIKAPIN ng College of Saint Benilde na mapalawig ang kanilang perfect run sa tatlong laro laban sa wala pang panalong Mapua sa NCAA men’s basketball tournament ngayon.
Para magawa ito, kailangan ng Blazers na madominahan ang homecourt ng Cardinals sa Intramuros sa pagpapatuloy ng Thursdays-only NCAA on Tour sa alas-4 ng hapon.
Ang St. Benilde, kasama ang defending three-time champion San Beda, ang nalalabing undefeated teams sa season.
Umaasa si coach TY Tang na magpapatuloy ang magandang simula ng Blazers upang makopo ang kanilang unang Final Four appearance magmula noong 2002, na sa kasalukuyan ay ang pinakamahabang tagtuyot sa liga.
Makaraang simulan ang kanilang kampanya sa pamamagitan ng 69-66 panalo laban sa Emilio Aguinaldo College, pinataob ng St. Benilde ang last year’s semifinalist University of Perpetual Help System Dalta, 75-63.
“We have a 2-0 start, we are hoping to get momentum from this,” wika ni Tang, na nasa kanyang ikatlong season sa Blazers.
May 0-3 kartada, ang Mapua ay isa sa dalawang wala pang panalong koponan, ang isa pa ay ang Arellano University.
Naghahanap pa rin si bagong coach Randy Alcantara ng kasagutan sa kung paano makukuha ng Cardinals ang unang panalo sa harap ng kanilang school mates.
Galing ang Mapua sa 71-79 pagkatalo sa Lyceum of the Philippines University noong nakaraang Biyernes.
Comments are closed.