MALINIS NA KARTA ITATAYA NG LADY BULLDOGS, MAROONS

Standings             W    L

NU                        3     0

UP                         3     0

UST                       2     1

DLSU     2     1

AdU                      1     2

FEU                       1     2

Ateneo  0     3

UE                         0     3

 

Mga laro ngayon:

(Mall of Asia Arena)

10 a.m. – UE vs NU

12 noon – Ateneo vs FEU

4 p.m. – AdU vs UP

6 p.m. – DLSU vs UST

ITATAYA ng National University at University of the Philippines ang kanilang walang dungis na records sa magkahiwalay na laro sa UAAP women’s volleyball tournament ngayon sa Mall of Asia Arena.

Ang Lady Bulldogs ay nanalo sa kanilang unang tatlong laro at kasalo ang Fighting Maroons sa ibabaw ng standings na may 3-0 sa post-Tots Carlos and Isa Molde era.

Habang ang NU ay pinapaborang magwagi sa kanilang 10 a.m. duel sa wala pang panalong University of the East, ang UP ay mapapalaban naman sa rejuvinated Adamson side sa alas-4 ng hapon.

Pinutol ng Lady Falcons ang 14-match losing streak kontra  titleholder Ateneo kasunod ng 23-25, 25-19, 25-15, 25-12 panalo noong Martes ng gabi, na nagpalasap sa Blue Eagles ng kanilang ikatlong sunod na kabiguan.

“Pagod na kami pero worth it naman lahat ng pagod,” sabi ni coach Lerma Giron. “Siyempre sobrang saya, pakiramdam namin sabi ko nga kanina, nung isang araw pa we need to win this game kasi sobra na ‘yung nasakripisyo ng mga players, lahat sa Adamson even coaching staff so we really want this game talaga.”

Batid ni coach Godfrey Okumu ang kahalagahan ng pagkakaroon ng winning start para sa Fighting Maroons.

“As I said before, and I’ll say it again, every team is working towards winning as many games as they can to qualify for the playoffs, so our intention up to now is to try and win all the games if possible,” sabi ni Okumu makaraang gulantangin ng UP ang Season 81 runner-up University of Santo Tomas, 25-21, 23-25, 25-21, 25-22.

“I don’t what could happen, but our intention is to go out there and fight it all. Yeah, so we don’t leave things to chance, no, its the girls are fighting hard. Yes, it might surprise so many people, but I think we are ready, we are the strongest contender for this time around. So yes we are out here to fight like any other team,” dagdag pa niya.

Sisikapin naman ng La Salle at UST, kapwa may 2-1 records sa joint third, na makabalik sa trangko sa huling laro sa alas-6 ng gabi.