MALINIS NA KARTA ITATAYA NG LADY SPIKERS

Mga laro ngayon:
(Philsports Arena)
10 a.m. – FEU vs DLSU (Men)
12 noon – FEU vs DLSU (Women)
2 p.m. – UP vs UST (Women)
4 p.m. – UP vs UST (Women)

TARGET ng league-leading La Salle ang ika-5 sunod na panalo sa pagsagupa sa Far Eastern University sa UAAP women’s volleyball tournament ngayon sa Philsports Arena.

Nasa kanilang pinakamagandang simula magmula nang buksan ang 2014-15 (Season 77) campaign sa 6-0, ang Lady Spikers ay handa sa maaaring ipakita ng Lady Tamaraws sa 12 noon match.

Magsasalpukan naman ang University of Santo Tomas at University of the Philippines sa iba pang women’s contest sa alas-2 ng hapon.

Kumuha ng lakas sa kanilang rookies sa huling sandali, pinataob ng FEU ang Ateneo, 25-12, 15-25, 19-25, 25-15, 18-16, para sa 2-2 record.

Samantala, nahirapan ang La Salle sa unang dalawang sets bago nakumpleto ang 25-20, 25-21, 25-14 pagwalis sa UE.

Nag-iisa sa ibabaw ng standings, batid ng Lady Spikers na hindi sila dapat magkampante.

“Pinapaalahanan namin na mahaba pa itong tournament na ito. Hindi puwedeng magkampante kahit nasa itaas tayo,” sabi ni La Salle interim coach Noel Orcullo. “Kailangang tuloy-tuloy kung ano ang ginagawa namin sa training. Mag-improve every game. Everyday sa training, kailangang i-improve ang sarili. Hindi lang sarili, as a team. Going to the second round, maging pulido ang galaw nila.”

Ang young Lady Tamaraws ay nahaharap sa height disadvantage laban sa battle-tested Lady Spikers.

“La Salle, siyempre, is a formidable team iyan. Sobrang taas din ng respect din sa La Salle. Siyempre hindi ko rin makakaila na yung mga players ko nandoon din,” sabi ni Salak. Kabilang sa mga ito sina prolific rookie Angel Canino at libero Justine Jazareno, na hinawakan ni Salak noong siya ay nasa La Salle-Zobel. Naging instrumento sila sa pagwawagi ng Junior Lady Spikers ng UAAP high school girls title noong 2018, kung saan nagsimulang gumawa ng marka si Salak bilang coach matapos ang decorated playing career.

“Ang motivation ko, kailangan ko maipakita sa kanila na kaya namin silang talunin as well as kung ano ang ginawa namin sa Zobel dati. So ngayon, I’m doing this sa FEU na,” ani Salak.

“Tingin ko may threat din for them dahil nga siguro, respect. Pero siguro, hindi na na natin titignan iyon. Focus kami doon sa kung paano namin sila ma-intimidate, unang-una, at siyempre malalaki sila. Parang David and Goliath,” dagdag ng legendary setter.

Ang No. 1 spiker at second-best leading scorer ng torneo, ang 19-year-old Canino ay mainit ngayong season para sa Lady Spikers, at pinuri ni Salak ang kanyang forward ward sa pagtaas sa level of play.

“Malaki na ang improvement ng high school to now under coach Ramil (de Jesus),” sabi ni Salak. “I think na-develop ‘yung sarili niya as kung ano siya ngayon.”

“Ang kailangan na lang namin doon ay kung paano siya ma-stop. So siguro, hindi lang si Angel, is ‘yung buong team,‘yung buong La Salle. Hindi puwedeng mag-focus lang kami kay Angel lang. May mga little weapons sila na gagamitin namin din ‘yun para ma-motivate kami. Definitely may weakness iyan so hahanapin namin iyon,” dagdag pa niya.