MALINIS NA KARTA ITATAYA NG SQUIRES, RED ROBINS

Standings W L
Letran 4 0
Mapua 4 0
SSC-R 2 2
LSGH 2 2
San Beda 2 2
Perpetual 2 2
LPU 2 2
JRU 2 2
Arellano 0 4
EAC 0 4

Mga laro ngayon:
(EAC Gym)
7:30 a.m. – San Beda vs LSGH
9:30 a.m. – SSC-R vs JRU
11:30 a.m. – Perpetual vs EAC
2:30 p.m. – Mapua vs LPU
4:30 p.m. – Letran vs Arellano

SISIKAPIN ng Letran at Mapua na mapanatili ang kanilang perfect runs sa magkahiwalay na laro sa NCAA juniors basketball tournament ngayon sa EAC Gym.

Makakaharap ng Squires ang inaalat na Arellano University sa alas-4:30 ng hapon, matapos ang salpukan ng Red Robins at Lyceum of the Philippines University sa alas-2:30 ng hapon.

Sa iba pang laro, magtutuos ang CSB-La Salle Green Hills at San Beda sa alas-7:30 ng umaga, na susundan ng duelo ng San Sebastian at Jose Rizal University sa alas-9:30 ng umaga at ng bakbakan ng University of Perpetual Help System Dalta at Emilio Aguinaldo College sa alas-11:30 ng umaga.

Ang Letran at Mapua ang nalalabing undefeated teams sa torneo na may magkatulad na 4-0 kartada, na naglapit sa kanila sa top 2 spots sa Final 4.

Isang wide-open battle ang nalalabing dalawang slots dahil anim na koponan ang nakaipit sa heavy logjam sa 2-2.

Ang Braves at Brigadiers ang tanging mga koponan na wala pang panalo sa torneo matapos ang unang apat na laro.

Pinapaboran ang Red Robins, may double-digit winning margin na 10.25 points ngayong season, na mamayani kontra Junior Pirates.