Mga laro ngayon:
DHVSU Gym, Bacolor, Pampanga
12:30 p.m. – Magnolia vs NLX
3 p.m. – TNT vs San Miguel
6 p.m. – Ginebra vs Rain or Shine
TARGET ng wala pang talong TNT Tropang Giga ang ika-7 panalo at makalapit sa quarterfinals sa pakikipagtipan sa San Miguel Beer ngayon sa 46th PBA Philippine Cup sa Don Honorio Ventura State U Gym sa Bacolor, Pampanga.
Tinalo ng Tropang Giga ang second-running Meralco at Magnolia bilang bahagi ng kanilang three-game sweep noong nakaraang linggo at ang kanilang layunin ay ang ulitin ito laban sa isa pang bigatin, ang SMB (3-2), sa alas-3 ng hapon.
Binigyang-diin ni coach Chot Reyes, nasa kanyang pinakamagandang simula sa TNT franchise, na bagama’t nangunguna sa liga ay walang dahilan para makuntento sila.
“We’re still a work in progress,” ani Reyes, na ang tropa ay nasa magandang posisyon para umabante sa playoffs.
Sa kasalukuyan, walong panalo ang kinakailangan upang makasiguro sa quarterfinals, bagama’t sa kasaysayan, sa 12-team field, ang anim na panalo ay sapat maaaring sapat na para umusad.
“We’re not thinking of the record or anything else except to get better. We’re a work in progress and that’s how I keep the team on an even keel to let them know that it’s very early in the season and we have to continue to find ways to keep getting better,” sabi ni Reyes.
Muling sasandal ang TNT kina Jayson Castro, RR Pogoy, Troy Rosario, Mikey Williams at Kelly Williams.
Magtutuos naman sa main game sa alas-6 ng gabi ang Barangay Ginebra at Rain or Shine.
Kapwa hangad ng Gin Kings at Elasto Painters na makabawi mula sa pagkatalo.
Nalasap ng Ginebra ang 90-95 upset sa Terrafirma Dyip noong Biyernes, habang naungusan ang Rain or Shine ng Phoenix Super LPG Fuel Masters, 77-78, noong Huwebes.
Samantala, sisikapin ng NLEX na mahila sa apat ang kanilang winning streak sa pagsagupa sa Magnolia Ang Pambansang Manok, na galing naman sa talo, sa unang laro sa alas-12:30 ng tanghali.
Ang panalo ng Hotshots ang bubura sa stigma ng kanilang 76-83 pagkatalo sa TNT noong Linggo.
Subalit tiyak na hindi ito papayagan ng Road Warriors na puntirya ang ika-4 sunod na panalo at ika-5 sa pitong laro sa kabuuan. CLYDE MARIANO
498304 217339What platform and theme are you employing if I could ask? Exactly where can I buy them? x 296097