MALINIS NA MARKA ITATAYA NG HOTSHOTS VS ROAD WARRIORS

hotshots

Mga laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
3 p.m. – NorthPort vs Blackwater
5:45 p.m. – NLEX vs Magnolia

PUNTIRYA ng undefeated league leader Magnolia ang ika-4 na sunod na panalo sa pagsagupa sa NLEX sa pagpapatuloy ng aksiyon sa PBA Commissioner’s Cup ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Haharapin ng Hotshots ang Road Warriors sa alas-5:45 ng hapon matapos ang sagupaan ng NorthPort at Blackwater sa alas-3 ng hapon.

Bagaman lamang sa billing dahil malakas ang lineup, hindi puwedeng magpabaya ang Magnolia laban sa mapanganib na NLEX.

Naagaw ng Magnolia ang liderato sa Bay Area matapos putulin ng Barangay Ginebra ang 4-game winning streak ng Hong Kong-based guest team, 93-111, kung saan tumipa si resident import Justin Brownlee ng 46 points, 17 sa third period.

Hindi lang si American import Earl Clark ang magbibigay ng sakit ng ulo kay coach Chito Victolero kundi maging sina ace gunner Kevin Alas at Celedonio Trollano.

Kailangan ng kanyang top defenders na ma-neutralize at malimitahan ang produksiyon nina Clark, Alas at Trollano upang mapanatili ang malinis na marka.

Lalabanan ng Magnolia ang NLEX na sariwa mula sa panalo sa Talk ‘N Text, 94-92.

Muling sasandal si Victolero kay Serbian Nikola Rakocevic katuwang sina Marc Andy Barroca, Paul Lee, Jio Jalalon, Ian Sangalang, Calvin Abueva at Rome dela Rosa.

Mababa ang morale ng NLEX sa pagkatalo sa Phoenix, 97-111, at binigo ang pagbabalik ni coach Frankie Lim mula sa one-game suspension.

Pangungunahan nina Prince Ibeh at Robert Bolick ang opensiba ng Batang Pier, may 2-2 record, laban sa Bossing (2-2) ni coach Ariel Vanguardia.

Umiskor si Bolick ng career-high 44 points sa 101-95 overtime win ng NorthPort kontra Meralco noong Sept. 30.

Aalalayan sina Ibeh at Bolick nina Arwind Santos, Roi Sumang, Jerrick Balanza, Kevin Ferrer at Paolo Taha laban kina Cameron Krutig, Renato Ular, Baser Amer, Rey Suerte, Mike Ayonayon,Yousef Taha at Rashawn McCarthy.

CLYDE MARIANO