Standings:
W L
TNT Katropa 3 0
Rain or Shine 3 0
GlobalPort 2 1
Alaska 2 1
Phoenix 2 1
Meralco 2 1
Columbian 2 2
Barangay Ginebra 0 2
NLEX 0 3
Blackwater 0 4
Magnolia 0 1
San Miguel 0 0
Mga laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)
4:30 p.m. – Columbian vs Rain or Shine
7 p.m. – San Miguel vs Meralco
ITATAYA ng Rain or Shine ang malinis na kartada sa pagharap sa Columbian sa pagpapatuloy ng PBA Commissioner’s Cup ngayon sa sa Mall of Asia Arena.
Sasagupain ng Elasto Painters ang Dyip sa unang laro sa alas-4:30 ng hapon na susundan ng bakbakan ng Beermen, na sasalang sa unang pagkakataon matapos ang mahabang pahinga mula sa Philippine Cup, at Meralco sa alas-7 ng gabi.
Deteminado ang ROS na manalo at kunin ang solong liderato makaraang somosyo sa Talk N Text sa 3-0 nang talunin ang Barangay Ginebra noong Linggo sa MOA.
Lamang ang ROS sa tao laban sa Columbian na dating Kia team, at inaasahang sasamantalahin ni coach Caloy Gacia ang bentahe upang mapanatili ang malinis na record.
“Our goal is to win and keep our clean record. We will play our best and utilize all available resources to keep our winning run and stay on track,” sabi ni Garcia. Hanggang ngayon ay bigo pa rin si Garcia na bigyan ng korona ang ROS matapos kunin ang coaching job na iniwan ni coach Yeng Guiao na lumipat sa NLEX.
Muling sasandal si Garcia sa kanyang mga kamador na sina Maverick Ahanmisi, Gabe Norwood, Beau Belga, Raymond Alamazan, Ronnie Matias, Chris Tiu at dating Purefoods franchise player James Yap, habang itatapat naman ni
coach Ric Dandan sina Prince Caperal, Eric Camson, LA Revilla, Philip Paniamogan at Jeric Teng.
Samantala, inaasahang magiging mainit ang bakbakan ng SMB ni coach Leo at ng Meralco ni coach Norman Black na may 2-1 kartada. CLYDE MARIANO
Comments are closed.