MAMARIL MAY BAGO NANG CAREER

on the spot- pilipino mirror

BAGO po ang lahat, ang buong staff ng PILIPINO Mirror ay taos-pusong nakikiramay sa mga kapatiran at sa buong Iglesia ni Cristo, lalo na sa pamilya ng kapatid na Glicerio Santos Sr. (ang overall auditor ng INC) na namatay na po noong Sabado ng gabi, April 3. Hinding-hindi po namin kayo makakalimutan. Maraming-marami pong salamat.



Hindi na nabigyan ng bagong kontrata si Billy Mamaril ng San Miguel Beer. Kinausap na rin naman siya ni team manager

Gee Abanilla. Matagal na rin naman sa PBA si Billy, kumbaga quota na siya sa kanyang basketball career. Saka 40 years old na rin si Billy. Paretiro  na rin ito.

Tapos na ang pagbabasketbol, sisimulan naman niya ang kanyang bagong career kung saan patapos na rin siya sa kanyang nursing course. Alam na-man natin na single parent si Mamaril sa kanyang dalawang anak na babae at ilang taon na siyang biyudo.  Tama lang na tinapos ni Billy ang kanyang pag-aaral para makatulong sa kanyang mga anak. Wala man siya sa PBA, hindi pa rin siya makakalimutan dahil naka-5 kampeonato rin siya.  Congrats, Billy and good luck sa bago mong  career.



Nakahihinayang naman itong si Abel Galiguez na hindi na ni-renew ng Alaska Aces ang kontrata pagkatapos na magtamo ng injury noong PBA bubble na ginawa sa Clark Angeles, Pampanga. Sana ay may makaalala kay Galiguez dahil isa siya sa mahuhusay na guard,hindi lang siya  nabigyan ng tamang break ng Aces.

Samantala, pati si Alex Mallari ay pinakawalan na rin ng Phoenix Super LPG Fuelmasters. Wala kasi itong puwesto sa pagdating ni Vic Manuel sa kampo ng Phoenix. Sayang din si Mallari, kayang- kaya pa niyang makipagsabayan kahit sa mga baguhan. Hindi lang siguro siya kursunada ni coach Topex Robinson.



PAHABOL: Stay safe po tayong lahat. Sumunod po sa protocols ng ating gobyerno. Kung walang mahalagang gagawin sa labas ay huwag munang magsipaglabas. Kung lalabas naman, laging mag- face mask, face shield at magbaon ng alcohol para  iwas sa virus at hindi magkasakit. Mahirap po magkasakit. GOD BLESS US!!!

3 thoughts on “MAMARIL MAY BAGO NANG CAREER”

  1. 755246 708424Watch the strategies presented continue reading to discover and just listen how to carry out this incredible like you organize your company at the moment. educational 360567

Comments are closed.