MANAY INDAY ILILIBING SA TABI NI FPJ

TAPOS na ang nitso ni Susan Roces sa Manila North Cemetery, na katabi ng kanyang pinakamamahal na asawang si Fernando Poe Jr. Hanggang kamatayan, magkasama pa rin ang tinaguriang King and Queen of Philippine Movies.

Sa Manila North Cemetery sila inilibing dahil ito ang isa sa pinakamatanda (1904), makasaysayan, at pinakamalawak na sementeryo sa Metro Manila dahil may sukat itong 54 ektarya. Dito rin nakalibing ang ilang mga kilalang personalidad mula sa pulitika at show business, kabilang na ang ama ni FPJ na si Fernando Poe Sr. at ang mga kapatid ni FPJ na sina Andy, at Conrad Poe.

Dito rin nakalibing sina Larry Silva; Max Laurel, Max Alvarado, Rodolfo “Boy” Garcia, Joaquin Fajardo, Lilian Velez, National Artist Atang dela Rama, LVN Pictures producer Narcisa Buencamino de Leon aka Doña Sisang; at ang unang Pilipinang recording artist na si Maria Carpena.

Nakalibing din dito sina former Philippine presidents Ramon Magsaysay, Sergio Osmeña, at Manuel Roxas; at former first ladies na sina Luz Magsaysay, Esperanza Osmeña, at Trinidad Roxas, pati na sina former Manila City mayors Arsenio Lacson, Antonio Villegas, at Alfredo Lim; boxer Pancho Villa; poet Jose Corazon de Jesus; National Artists Amado Hernandez at Juan Nakpil ;  painter Felix Resurreccion Hidalgo; Gregoria de Jesus na pangalawang asawa ni Andres Bonifacio; composer Julio Nakpil; at historian na si Epifanio Delos Santos.

Dito rin unang inilagak baago inilipat sa iba’t ibang libingan sina Paciano Rizal, Maria Agoncillo, Melchora Aquino, Marcelo del Pilar, Emilio Jacinto, Manuel Quezon, Aurora Quezon, at Dick Israel.

SUSAN ROCES LALAGI SA ALAALA NI EDDIE GUTIERREZ

Sa loob ng mahigit anim na dekada nilang pagkakaibigan, napamahal na umano sina Eddie Gutierrez at Susan Roces sa isa’t isa na higit pa sa magkaibiga at magkapatid.

Nung huling birthday umano ni Susan, nag-reminisce ito at sinabing silang dalawa na lamang ang natitira sa kanilang magkakaibigan. Nalulungkot daw ito pero sinabihan siyang mag-iingat lagi.

Sa dami umano ng magagandang pinagsamahan nil ani Susan, hinding hindi niya ito malilimuta, at lalagi itong bahagi ng kanyang alaala.

ERICH GONZALES NASA HONEYMOON NA

Married na ang status ni Erich Gonzales, at ang maswerteng lalaki ay ang kanyang long-time boyfriend na si Mateo Lorenzo, at mukhang enjoy na enjoy siya sa kanyang honeymoon sa Benguet.

Low-key lang ang kasal ni Erich dahil gusto nilang mag-asawa ng privacy, pero naamoy pa rin ng mga marites na ikinasal sila noong March 23, 2022 sa St. James the Great Parish sa Ayala Alabang Village, Muntinlupa City. Dito nakatira si Mateo at ang kanyang mga magulang.

April 2017 sila nagkakilala pero January 2018 lamang nakumpirma ang panliligaw ni Mateo kay Erich. January 2019 nang kumpirmahin ni Erich na may boyfriend na siya pero hinndi pa rin pinangalanan.

Isa si Mateo sa labindalawang anak ng businessman na si Martin Ignacio Lorenzo, na may mga negosyo sa food retail at manufacturing company ng plastic products.

ANGELINE QUINTO ISASAMA SI BABY SYLVIO SA U.S. & CANADA CONCERT TOR

May Concert King na tayo in the making, dahil baby pa lang, kasama n ani Angeline Quinto ang baby niyang si Sylvio sa mga concert tour. Lalaki ang bata sa kantahan, kaya asahan nating magiging singer din ito.

Magkakaroon ng concert sa Canada at U.S. si Angeline sa Setyembre at Oktubre 2022 karugtong ng concert series niya na 10Q: Ten Years of Angeline Quinto na nagsimula noong 2021 at hindi naman niya maiiwan ang anak dahil nagbi-breastfeed siya kaya isasama niya na lang. Isa pa, unang baby niya ito kaya ayaw talaga niyang mawalay dito ng matagal.

Una raw sa priorities niya ngayon ang kanyang anak, at syempre, kasama rin niya ang partner na si Nonrev Daquina para raw may magbabantay sa bata kung nasa stage siya. Nagdesisyon daw silang isama ang bata dahil mahigit isang buwan sila mawawala at ayaw niyang mapalayo kay baby Sylvio ng ganoon katagal.