MANDATO NG BIR, PAGCOR NA HABULIN ANG POGOs

Erick Balane Finance Insider

“THE sadden closure of these Philippine Offshore Gaming  Operators (POGOs) should not allow them to escape accountability and justice at mandato ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na habulin ang pagkakautang na P50 bilyon,” pahayag ni Senadora Risa Hontiveros.

Sinabi ni Hontiveros  na hindi dapat payagan ng gobyerno na basta na lamang tayo tatakasan ng financiers ng POGOs  matapos silang kumita ng bilyon-bilyon sa ating bansa, lalo pa ngayong nasa gitna tayo ng COVID-19 pandemic  at kailangan ang pondo para masagip ang mamamayang Filipino.

Isa sa mga regional director ng BIR ang nagbigay ng impormasyon tungkol sa unti-unti umanong pagtakas at pagsasara ng operasyon ng POGOs para makaiwas sa pagbabayad ng P50 bil­yong buwis  sa BIR at maging sa PAGCOR.

‘Di umano, nakipagkasundo na sa kanilang business partners sa Indonesia, Thailand at ­Singapore ang mga POGO  upang doon ipagpatuloy ang kanilang operasyon.

“POGO firms whose management and workers are involved in kidnapping, human trafficking, prostitution of women and children, unfair labor practice and other criminal actvities should be prosecuted to the fullest extent of the law,” ani Senator Risa.

Ano pa nga naman ang silbi ng BIR at PAGCOR kung mag-iingay lang ang mga ito at hindi gagampanan ang kanilang mandato na singilin ang POGOs sa pagkakautang sa buwis at payagang basta na lamang makatakas?

Ang BIR at PAGCOR ay kapwa may itinatag na task force para bantayan kung nagbabayad nga ng buwis ang POGOs. Bakit tahimik ang mga ito? Ano na ba ang nangyari sa imbestigasyon ng nasabing mga task force? Bakit hindi ilabas ang resulta ng imbestigasyon ng mga ito?

Hindi  lamang ang BIR at PAGCOR ang nagmamatyag sa POGOs. Pati ang Kongreso, Senado, finance department, labor department at iba pang investigating body ay nakatutok sa galaw nito.

Ang online-gaming operations ng POGOs ay nagsimula taong 2003. Noong panahong iyon, sinasabing nasa 80,000  pa lamang ang bilang ng mga empleyado na ilegal na nagtatrabaho sa bansa. Minimal income lamang ang pakinabang na natatamo ng gobyerno at posibleng napupunta pa sa bulsa ng ilang tiwaling opisyal ng pamahalaan.

“Since January 15, 2020, at least 2,000 or 3% of Chinese nationals who were illegally working in POGO’s and in other fraudulent offshore operators have been repatriated to our country,“ ayon sa source.

Nagsimulang makakolekta ng buwis ang gobyerno sa unang grupo na tinatayang nasa P73.72 milyon noong 2016, tumaas ito sa P3.12 bilyon noong 2017, bumaba naman sa P6.11 bilyon noong 2018 at P5.3 bil­yon na lang noong 2019.

Sa unang quarter ng 2020, nag-contribute ito ng P1.8 billion sa regulatory fees at umabot sa kabuuang P20.83 bilyon ang binayaran  (2016 to 2020) para sa application, processing at regulatory fees sa BIR, sa corporate at employees income tax,  sa PAGCOR para sa franchise tax, sa Bureau of Immigration para naman sa visa fees at sa local government units (LGUs) para sa local taxes.

Ayon sa source, noong nakaraang taon, ang gobyerno ay nakakolekta ng P14.28 bil­yon – P6.42 bilyon dito ay direct taxes mula sa POGOs, P2.82 bilyon sa value added tax, P3.25 bilyon sa withholding at P1.48 bilyon sa excise tax.

Tinataya naman na nasa P50 bilyon ang buwis na hinahabol ng BIR sa POGOs na ayon sa source ay malabo nang  makolekta  dahil sa sinasabing unti-unting pag-alis sa bansa ng mga ito papuntang Thailand, Indonesia at Malasia.

Una nang sinabi ng BIR at DOF na kaya nilang patawan ng P2 bilyong buwis ang mga Chinese worker ng POGO kada buwan o P24 bilyon kada taon, o posible pang umabot sa P50 bilyon kada-taon bilang karagdagang taxes.

oOo

Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa  09266481092 o mag- email sa drerickba­[email protected].

Comments are closed.