HONG KONG – INALMAHAN ng isang grupo ng overseas Filipino workers (OFWs) ang mandatory insurance ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).
Sa protesta ng UNIFIL-MIGRANTE-HK sa harap ng tanggapan ng Philippine Consulate General, ipinagpalagay na ang pagpapatupad ng mandatory insurance ay magiging sanhi lamang ng pagkabawas ng kita ng mga OFW lalo na’t mataas ngayon ang presyo ng bilihin at mga bayarin.
“This new imposition would increase our hard-earned money, amid rising inflation and a host of fees being exacted by the government,” ayon sa UNIFIL-MIGRANTE-HK.
Alinsunod sa POEA Governing Board Resolution No. 4, ang lahat ng returning OFWs na may dati nang amo o lumipat sa ibang amo ay dapat magparehistro sa POEA, dapat magpakita sila ng pasaporte na valid ng anim ng buwan, valid working visa, at certificate of insurance.
Itinuring din ng grupo na isa lang money-making scheme ang mandatory insurance dahil mayroon nang insurance mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
“The new POEA order on mandatory insurance is just another money-making scheme for the already burdened OFWs that can very well even cost us our job,” ayon kay Dolores Balladares-Pelaez, chairperson ng United Filipinos in Hong Kong (UNIFIL-MIGRANTE-HK). EUNICE C.
Comments are closed.