MANDATORY SWAB TESTING SA WORKERS ‘DI KAYA NG MALILIIT NA KOMPANYA — ECOP

SWAB TEST

LALONG darami ang mga empleyadong mawawalan ng trabaho kapag iginiit ng pamahalaan ang mandatory swab testing sa mga manggagawa na sasagutin ng kom­ panya, ayon sa Employers Confederation of the Philippines (ECOP)

Sinabi ni ECOP President Sergio Ortiz-Luis Jr. na dapat alalahanin ng pamahalaan na 90% ng mga negosyo ay  micro o maliliit lamang.

Ang mga malalaki naman aniyang kompanya na libo-libo ang empleyado ay nanganganib na mag-retrench  na lamang dahil sa laki ng babalikatin nilang gastos sa swab testing.

Bawat swab testing ay nagkakahalaga ng P2,000 hanggang P4,000.

“Hindi kaya ng mga maliliit ‘yan, lalo pang mawawalan ng trabaho ang mga ‘yan.” sabi ni Ortiz-Luis.

Pinuna ni Ortiz ang kawalan ng transition mula sa quarantine hanggang sa buksan ang ekonomiya.

Napakalaki rin, aniya, ng epekto ng kawalan ng pagkakakitaan sa hawaan na nangyayari sa loob ng tahanan.

“Kaya naman ang gagawin para walang transmission, e, ‘wag na lang magbukas, ang problema, paano na ‘yung mga walang trabaho? Naghahawahan na lang sa bahay nila. Samantalang kung nandoon sa workplace, kahit papaano nalalaman mo kung  pagka-nagkaroon ng positive (case) doon, isasara mo [‘yung workplace], gagawa ka ng hakbang,” dagdag ni Ortiz-Luis. DWIZ 882

Comments are closed.