MANGINGISDA NAGPASAKLOLO SA CHR

Mangingisda

PALAWAN – UMALMA ang grupo ng ma­ngingisda sa red-tagging sa kanila ng mga miyembro ng local anti-communist task force.

Humingi ng tulong ang  Pamalakaya (Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas) sa Commission on Human Rights (CHR)  at iginiit ng kanilang chairman na si  Fernando Hicap na dapat aksiyunan ng CHR ang ginagawa sa kanila ng task force partikular ang pagturing umano sa kanila bilang mga rebelde at mga taga-suporta ng New People’s Army (NPA).

Giit ni Hicap, karaniwan nang nararanasan ng mga biktima ng extrajudicial killing sa bansa na bago sila patayin ay nagiging biktima pa ng red-tagging.

Matatandaang ka­makailan ay nagpahayag din si CHR commissioner Jacqueline De Guia na ang akusasyon laban sa ilang grupo o indibiduwal bilang komunista ay dapat patunayan sa Korte. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.