PALAWAN-LIGTAS na mula sa kapahamakan ang mangingisdang sinakmal ng buwaya sa lambak ng Balacbac.
Batay sa ulat, matinding sugat ang tinamo sa ulo at kaliwang mata ng biktimang si Janilon Daking Amalong, 25-anyos.
Nangingisda si Amalong kasama ang tiyuhing si Monching Daki gamit ang isang spear gun nang bigla silang atakehin ng buwaya dakong ala-1 ng madaling araw noong Huwebes.
Naganap ang insidente 100 metro ang tinatayang layo sa mangrove area ng Sitio Silom-Silom, Brgy. Catagupan.
Naisugod sa Rural Health Unit ng Balacbac ang biktima saka inilipat sa Puerto Princesa City.
Nagpaalala naman ang awtoridad na iwasan ng mga residente ang mga lugar kung saan inaasahang tirahan ng mga buwaya.
Dagdag pa ng awtoridad, lumalabas ang pagiging agresibo ng buwaya tuwing gabi dahil sa pagiging nocturnal animal nito. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.